(Inihirit na muling ipatupad bilang ayuda sa PUVs) PANTAWID PASADA PROGRAM

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, inihirit ni Senador Win Gatchalian sa pamahalaan ang muling pagpapatupad ng Pantawid Pasada Program bilang ayuda sa public transport sector at para maibsan ang epekto sa publiko ng price hike.

“Ang panawagan ko sa ating pamahalaan ay protektahan natin ang ating mga tsuper at pasahero. Dito papasok ‘yung programa na Pantawid Pasada kung saan pinopondohan muna ng gobyerno para ma-absorb ‘yung pagtaas ng presyo ng petrolyo,” sabi ni Gatchalian.

Nanawagan din si Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na i-monitor ang imbentaryo ng mga kompanya ng langis para masiguro ang pagkakaroon ng sapat na suplay at mapigilan ang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa mga susunod na buwan.

Nakaaalarma na, aniya, ang sunod-sunod na pagsipa ng presyo ng langis sa loob ng pitong linggo. Nito lang nakaraang Martes, Oktubre 12, ay nagpatupad ng dagdag na P1.50 kada litro sa presyo ng diesel, P1.45 kada litro sa kerosene, at P1.30 kada litro sa gasolina ang Chevron Philippines Inc., PTT Philippines, Seaoil Philippines, PetroGazz, Unioil Petroleum Philippines, at Cleanfuel.

Sa pagtaya ng Senate Energy Committee chairperson, posibleng umabot sa P1,422.50 ang karagdagang gastos ng mga jeepney na gumagamit ng gasolina at P598.36 naman sa mga gumagamit ng diesel.

Upang maibsan ang pasaning ito, sinabi ni Gatchalian na maaaring maglabas ang gobyerno ng P914,160,894 milyon upang punan ang dagdag na gastusin ng tinatayang 178,244 franchise holders ng public utility vehicles (PUVs).

Kumpara sa P51.25 kada litro na presyo ng gasolina noong Oktubre ng nakaraang taon, ang kasalukuyang presyo nito ngayon ay nasa P58.85 na, samantalang ang diesel naman ay umabot na sa P47.90 kada litro kumpara sa P35.46 sa parehong buwan noong 2020.

“Itong sitwasyon natin ay maaari pang lumala dahil bukod sa winter season na, maraming ekonomiya na sa buong mundo ang unti-unting nagbubukas at dumadami na rin ang gumagamit ng petrolyo. Inaasahan nating tuloy-tuloy pa ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado hanggang sa katapusan ng taon,” dagdag ni Gatchalian.VICKY CERVALES

98 thoughts on “(Inihirit na muling ipatupad bilang ayuda sa PUVs) PANTAWID PASADA PROGRAM”

  1. Definitive journal of drugs and therapeutics. Read information now.
    buying mobic
    Everything information about medication. Some are medicines that help people when doctors prescribe.

  2. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Commonly Used Drugs Charts.
    https://edonlinefast.com the best ed pill
    Learn about the side effects, dosages, and interactions. Definitive journal of drugs and therapeutics.

  3. Get information now. Everything information about medication.
    cures for ed
    Prescription Drug Information, Interactions & Side. Medscape Drugs & Diseases.

  4. Of course, your article is good enough, safetoto but I thought it would be much better to see professional photos and videos together. There are articles and photos on these topics on my homepage, so please visit and share your opinions.

  5. Prescription Drug Information, Interactions & Side. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    https://tadalafil1st.com/# tadalafil online prescription
    Cautions. Learn about the side effects, dosages, and interactions.

Comments are closed.