(Inihirit sa gitna ng serye ng oil price hike) RICE FREEZE SA BASIC GOODS

HINILING ng mga kongresista ng Makabayan ang mahigpit na pagpapatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin sa gitna ng serye ng big-time oil price hike.

Sa House Resolution 2310, sinabi ng Makabayan na nitong September 10 ay pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasailalim sa bansa sa state of calamity dulot ng COVID-19 pandemic.

Ibig lamang sabihin, dahil nasa ilalim pa rin ng state of calamity ang bansa ay dapat itigil ang taas-presyo sa lahat ng batayang bilihin sa loob ng 60 araw o hanggang November 9 salig na rin sa probisyong nakapaloob sa Price Act.

Pero sa halip na ginhawa sa publiko ay sinamantala naman umano ng mga oil company ang walang habas na pagtaas sa presyo ng langis na naging dahilan sa hindi pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Kasabay nito ay umapela si Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas kay Pangulong Duterte na aksiyunan na ang walang pakundangang pagtaas sa presyo ng langis sa bansa at ipatupad ang automatic price freeze sa mga bilihin gaya ng bigas, delata, gulay at mantika sa loob ng dalawang buwan alinsunod sa Proclamation 1218.

Nababahala rin ang lady solon dahil tumaas sa 4.9% ang inflation rate nitong Setyembre at posible pa itong umangat dahil sa patuloy na oil price hike. CONDE BATAC

9 thoughts on “(Inihirit sa gitna ng serye ng oil price hike) RICE FREEZE SA BASIC GOODS”

  1. 640397 566250Whoah this blog is magnificent i truly like reading your articles. Keep up the excellent paintings! You realize, a great deal of persons are searching round for this details, you could aid them greatly. 907469

Comments are closed.