NAGLAAN ang pamahalaan ng P138.77 billion para sa higher education programs kabilang ang student subsidies at libreng tuition sa state universities and colleges (SUCs) sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA), ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Sinabi ng DBM na ang P138.77-billion budget para sa higher education ay hinati sa SUCs sa P107.04 billion at Commission on Higher Education (CHED) sa P31.73 billion.
Bahagi ng budget ng SUCs ay mapupunta sa Universal Access to Quality Tertiary Education Program (UAQTE) na may P45.80 billion allocation.
Ayon sa DBM, ang iba pang educational programs ay nilaanan din ng kaukulang pondo para sa 2023, kabilang ang Student Financial Assistance Programs na may P1.52 billion, na naglalayong magkaloob ng scholarships at grant-in-aid programs sa 21,053 student beneficiaries.
May kabuuang P500 million din ang inilaan sa Medical Scholarship and Return Service Program upang tulungan ang deserving medical students na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at training, kapalit ng serbisyong ipinagkaloob sa public health offices o hospitals.
Samantala, ang halagang P167 million ay ipantutulong sa tuition ng medical students sa SUCs.