(Inirekomenda ng DOH) TRAVEL BAN SA OMAN, UAE

Francisco Duque III

IPINASASAMA ni Health Secretary Francisco Duque III ang Oman at United Arab Emirates sa listahan ng mga bansang may travel restrictions makaraang maitala ng Filipinas ang unang mga kaso nito ng COVID-19 variant mula sa India.

Ayon kay Duque, ipinadala niya ang rekomendasyon sa Office of the Executive Secretary na ipagbawal ang pagpasok sa bansa ng mga biyahero mula sa naturang Middle East countries sa loob ng dalawang linggo.

Ang rekomendasyon ay ginawa ng kalihim, dalawang araw makaraang maitala ng bansa ang dalawang kaso ng B.1.617.2 variant sa dalawang Filipino seafarers na dumating mula sa Oman at UAE. Ang dalawa ay kapwa walang  travel history sa India.

Kasalukuyang tinatalakay ng Inter-Agency Task Force ang posibleng pagpapalawig ng ban sa mga biyahero mula  India, Pakistan, Bangladesh, Nepal at  Sri Lanka, na magtatapos ngayong araw, Mayo 14.

Inaasahang ipalalabas ni Presidente Rodrigo Duterte ang kanyang desisyon sa kanyang address to the nation Huwebes ng gabi.

5 thoughts on “(Inirekomenda ng DOH) TRAVEL BAN SA OMAN, UAE”

  1. 321124 909084Thanks for one more informative post. Exactly where else could anyone get that kind of info in such a effortless to realize way of presentation. 581311

Comments are closed.