(Inirekomenda ng DTI chief) PROTOCOLS SA BAKUNADO LUWAGAN

Ramon Lopez

INENDORSO ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang pagluluwag sa community quarantine protocols sa mga bakunado o fully vaccinate dindividual.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Lopez sa Chief Executive na “panahon na para baguhin ang ating protocol” pagdating sa pagluluwag sa ilang restrictions para sa mga bakunado.

“We were discussing the need to have (a) different approach in terms of solving COVID-19 (coronavirus disease 2019); not just lockdowns,” sabi ni Lopez.

Aniya, sa ilalim ng bagong protocol, ang mga fully vaccinated individual ay maaaring payagan sa mga ipinagbabawal na economic activities, tulad ng dine-in services sa restaurants at personal care services.

Paliwanag niya, magiging ligtas ang reopening ng ekonomiya dahil ang mga bakunado ay may proteksiyon laban sa COVID-19.

Dagdag pa niya, ang mga indibidwal na may kumpletong bakuna ay maliit ang posibilidad na magkaroon ng severe hanggang critical COVID-19.

“These are labor intensive. These sectors, there are 2 million individuals employed in dine-in restaurants. In salons, there are around 400,000. This is nationwide,” ani Lopez.

Anang kalihim, maaari itong subukan sa Metro Manila dahil mahigit 50 percent ng eligible population nito para sa COVID-19 vaccines ay bakunado na.

Dagdag pa ni Lopez, kasalukuyan nang isinasapinal ang guidelines para sa naturang protocol. PNA

95 thoughts on “(Inirekomenda ng DTI chief) PROTOCOLS SA BAKUNADO LUWAGAN”

  1. 39613 738474Finally, got what I was searching for!! Ive truly enjoying every small bit of this. Ecstatic I stumbled into this post! and also Ive bookmarked to look at special information for your weblog post. 434506

  2. 314810 891182Depending on yourself to make the decisions can truly be upsetting and frustrating. It takes years to build confidence. Frankly it takes far more than just happening to happen. 366784

Comments are closed.