INMATE SA CEBU CITY IGINUPO NG COVID-19

INMATE

AGAD nagpatupad paglilinis sa Cebu City Jail makaraang maitala ang pagkamatay ng isang inmate dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Kinumpirma naman ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang pagkamatay ng 47-anyos na preso dahil sa nasabing sakit.

Aniya, ang pagkamatay ng inmate ay ikaanim na kaso ng COVID-19 fatalities.

Una nang nagreklamo ang inmate na hirap huminga kaya isinugod sa Vicente Sotto Memorial Medical Center noong Sabado.

Isinasagawa na rin ang contact tracing o kung sino ang naging malapit sa biktima para isailalim sa testing at maihiwalay ito para maiwasan ang pagkakahawa-hawa.

Sinasabing 2,000 lang ang kapasidad ng kulungan subalit ngayon ay umabot na sa 6,000 ang preso roon. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.