INTEREST RATES ‘DI GUMALAW

BSP-Governor-Nestor-Espenilla-Jr-2

NAGPASIYA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na panatilihin ang policy settings nito sa kanilang unang policy meeting ngayong taon.

Pinanatili ng Monetary Board ang overnight borrowing rate sa 4.75 percent, ang overnight lending rate sa 5.25 percent, at ang overnight deposit rate sa 4.25 percent.

“The Monetary Board’s decision is based on its assessment of a more manageable inflation environment,” wika ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor Espenilla, Jr. sa isang statement.

Ang pahayag ay binasa ni Deputy Governor Diwa Guinigundo sa isang press conference sa BSP headquarters kahapon.

“Latest baseline inflation forecasts show inflation settling within the target band of 3.0 percent ± 1.0 percentage point for 2019 to 2020, as price pressures continue to recede due to the decline in international crude oil prices and the normalization of supply conditions for key food items,” ayon pa kay Espenilla.

Ang inflation rate sa unang buwan ng taon ay bumagal sa 4.4 percent.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mabagal ito sa 5.1 percent na naitala noong Disyem-bre, subalit mas mabilis sa 4.0 percent noong Enero 2018.

Comments are closed.