INTEREST RATES IBINABA NG BSP

BSP

IBINABA ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang benchmark interest rate makaraang iulat ng pamahalaan na ang paglago ng ekonomiya sa second quarter ng taon ang pinakamabagal sa loob ng apat na taon.

Ang 25-basis point reduction ay nagdala sa overnight borrowing rate na ginagamit ng mga bangko para presyuhan ang kanilang pautang, sa 4.25 percent.

Ang gross domestic product (GDP) ay luma­go ng 5.5% noong Abril hanggang Hunyo, mas mabagal sa 5.6% na naitala sa first quarter ng 2019.

Magugunitang itinaas ng BSP ang inte­rest rates ng kabuuang 175 basis points noong nakaraang taon dahil sa pagbilis ng inflation, na umabot sa 6.7% noong Setyembre at Oktubre.

Huling ibinaba ng central bank ang benchmark rate noong Mayo, ng 25 basis points.

Comments are closed.