INTEREST RATES IBINABA ULIT NG BSP

INTEREST RATES

SA ikatlong pagkakataon ngayong taon ay binabaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang interest rates sa harap ng patuloy na pagbagal ng inflation.

Ang 25 basis point cut sa overnight borrowing rate ay nagdala sa benchmark sa 4 percent, mula sa 4.75 percent noong 2018.

Naunang nagpahiwatig si BSP Governor Benjamin Diokno na muling bababa ang benchmark rate at ang reserve ratio require-ment o RRR para sa mga bangko.

Sinabi ni Diokno na nais niyang bumaba ang RRR sa ‘single digit’ pagsapit ng 2023.

Ang inflation ay lalo pang bumagal sa 3-year low noong Agosto, dahilan upang lalong luwagan ng central bank ang kanilang polisiya.

Huling binawasan ng BSP ang overnight rate ng 25 basis points noong Agosto makaraang ianunsiyo ng pamahalaan na ang gross domestic product sa April-June period ay bumagal sa 4-year low dahil sa pagkabigo ng mga mambabatas na ipasa ang 2019 national budget sa oras.

Ang Monetary Board ay may nalalabi pang dalawang meetings ngayong taon, sa ­Nobyembre 14 at Disyembre 12.

Comments are closed.