MALAKING tulong para kay Nelia S. Namoc, 47-anyos, residente ng Purok 4, taga-Sagbayan, San Miguel, Surigao del Sur, kabilang sa tribung Mamanua ang kanyang mga natutunan sa mga dinaluhan nitong skills training partikular ang Domestic Refrigeration and Air-Conditioning (DomRAC) NC ll para sa appointment nito bilang permamenteng guro sa Technical-Vocational-Livelihood (TVL) sa Sagbayan National High School (SNHS).
Bilang isang indigenous person (IP) hindi naging madali para kay Namoc ang kanyang pag-aaral mula elementarya hanggang sa makatapos siya ng kursong Bachelor of Science in Education Major in Technology and Livelihood Education (TLE) noong 2011. Siya’y nagsasaka para maitaguyod ang kanyang pag-aaral at tumulong sa kanyang mga magulang para sa pagkain ng kanil-ang pamilya.
Habang naghihintay para sa kanyang employment , dumalo siya sa mga community-based skills trainings na ini-sponsor ng lo-cal government units (LGUs) ng San Miguel, Technical Education and Skills Training Authority (TESDA), Department of Labor and Employment (DOLE) at maging ng mga non-governmental organizations (NGOs). Kabilang sa mga dinaluhan nitong mga trainings ay nail care, haircutting, make up, cell phone repair, umbrella repair, cookery, abaca weaving at DomRAC ll sa ilalim ng Special Skills Training Program (SSTP).
Lahat nang natutunang kasanayan ay kanyang ginamit sa paghanapbuhay, na lalong nagbigay sa kanya ng self-confidence at nag-udyok sa kanya upang ibahagi sa iba ang mga kaalamang ito para matulungan silang kumita. Pumasok siya bilang volunteer teacher sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education sa loob ng isang taon at sumunod at hanggang sa kasalukuyan sa SNHS na may buwanang honorarium na P7,000. Ang kanyang kinikita bilang volunteer teacher, masseur at mula sa kanyang skills sa nail care services, cooking at marketing ay umaabot sa P11,000 sa loob ng isang buwan.
“My life is totally different now” And I should say that positive thinking and perseverance were my keys on what I have become now. I am so thankful to our Almighty God, LGU San Miguel and TESDA for helping me find my ways to achieve economic independence,” ani Namoc.
Comments are closed.