(Ipagkakaloob ng DepEd) SAFETY SEAL SA SCHOOLS

PLANO ng Department of Education (Deped) na magkaloob ng ‘safety seal’ sa mga paaralang makakapasa sa assessment at evaluation ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Deped Planning Service Director Roger Masapol, ito’y para matiyak na handa ang mga paaralan sa pagbabalik ng face-to-face classes sa Nobyembre 15.

Ani Masapol, nakipag-usap na sila sa Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay sa mekanismo ng pagbibigay ng safety seal.

Kung maaprubahan, aniya, ay unang makatatanggap ang 100  pampublikong paaralan sa bansa na lalahok sa dalawang buwang pilot implementation ng limited face-to-face classes. DWIZ 882