SIMULA alas-12:01 ng Hulyo 25, 2021 hanggang alas-11:59 ng gabi ng Hulyo 31 ay bawal na munang pumasok sa Pilipinas ang mga biyaherong galing ng Malaysia at Thailand dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19.
Kasunod ito ng ginawang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang travel ban bilang bahagi na rin ng pagsisikap ng pamahalaan na mapigilan ang pagkalat pa ng Delta variant sa bansa.
Bawal ang mga biyaherong may travel history sa dalawang nabanggit na bansa sa nakalipas na 14 araw .
Gayunman, maaari pang papasukin ang mga biyahero na in transit o kasalukuyan nang bumibiyahe.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, para sa mga pasahero na nasa biyahe na, papasukin pa rin sila sa bansa basta siguraduhin lamang na sumunod sa 14 araw na quarantine protocols.
Sinabi pa ni Roque na kahit may ipinakitang negative RT-PCR test ay kailangang sumailalim pa rin sa 14-day facility quarantine ang mga ito.
Paliwanag ni Roque na exempted naman sa travel ban ang mga Pinoy na kabahagi ng repatriation at special commercial flights na papasok ng Pilipinas subalit pinaalalahanan na kailangang sundin ang prescribed testing at quarantine protocols.
Una nang nagpalabas ng travel ban ang Pilipinas sa mga biyahero na galing ng India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman at Indonesia.EVELYN QUIROZ
211924 179992You created some very good points there. I did a search on the subject and found most people will agree along with your blog. 637767
835148 205247Even though you are any of the lucky enough choices, it comes evidently, while capture the fancy with the specific coveted by ly folks other beneficial you you meet may possibly possibly properly have hard times this particular problem. pre owned awnings 415883