(Ipinagkaloob sa halos 1M rice farmers) P7.5-B LOANS, CASH GRANTS

magsasaka

MAY kabuuang P7.5 billion na loans at grants ang ipinalabas ng state-run lender Land Bank of the Philippines para sa halos isang milyong magsasaka magmula nang ipatupad ang Rice Tariffication Law (RTL) o ang Republic Act No. 11203, mahigit dalawang taon na ang nakalilipas

Sa isang statement, sinabi ng Landbank na ang kabuuang loans at cash grants ay ipinamahagi hanggang noong Abril 30, 2021 sa may 962,126 rice farmers.

Ang state-run bank ay nagkaloob ng support programs para sa Department of Agriculture (DA) bilang bahagi ng implementasyon ng RTL upang tulungan ang mga rice farmer na madagdagan ang kanilang produksiyon at kita.

Sa kabuuang  P7.5 billion na disbursements, nasa P1.03 billion na cumulative loans ang ipinagkaloob sa 6,218 eligible borrowers sa ilalim ng Expanded Rice Credit Assistance sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (ERCA-RCEF).

Available hanggang 2024, ang Landbank ay magpapahiram ng hanggang P500 million na credit assistance taon-taon sa ilalim ng ERCA-RCEF sa mga magsasaka sa 38 rice-producing provinces sa abot-kayang interest rates, na may minimum documentary requirements.

Gayundin, sinabi ng Landbank na naglabas sila ng kabuuang P2.52 billion na pautang sa 165,963 maliliit na rice farmers sa pamamagitan ng Survival and Recovery Assistance (SURE Aid) Lending Program.

Sa ilalim ng programa, binigyan ng kagyat na credit assistance na P15,000 ang bawat magsasaka na nagtatanim sa isang ektaryang lupain at pababa na walang interest at collateral.

Samantala, sa ilalim ng Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) Program ng DA, may kabuuang 253,826 magsasaka ang nabigyan ng cash aid na nagkakahalagang P1.27 billion.

Ang RFFA ay isang P3-billion unconditional cash transfer program na naglalayong magkaloob ng P5,000 financial assistance sa bawat rice farmer na nagtatanim sa 0.5 hanggang dalawang ektaryang lupain.

Bukod dito, naglabas din ang Landbank ng kabuuang P2.68 billion na cash grants sa 536,119 farmer-beneficiaries sa ilalim ng Financial Subsidy to Rice Farmers (FSRF) Program ng DA.

34 thoughts on “(Ipinagkaloob sa halos 1M rice farmers) P7.5-B LOANS, CASH GRANTS”

  1. 59196 494779Thanks for taking the time to discuss this subject. I genuinely appreciate it. Ill stick a link of this entry in my weblog. 798498

  2. 895221 443514I discovered your weblog web site site on the search engines and check several of your early posts. Always preserve up the extremely excellent operate. I recently additional increase Rss to my MSN News Reader. Searching for toward reading significantly far more on your part later on! 476138

  3. 793879 501599Spot ill carry on with this write-up, I truly believe this site requirements a great deal far more consideration. Ill oftimes be once more to see far much more, a lot of thanks that info. 858211

Comments are closed.