(Ipinatupad ng DTI sa gitna ng pagkalat ng COVID-19) NATIONWIDE PRICE FREEZE

DTI

NAGPATUPAD ang pamahalaan ng nationwide price freeze sa mga pangunahing bilihin sa gitna ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (CO­VID-19) sa bansa.

Sa isang statement, sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay hindi gagalaw sa loob ng 60 araw hanggang hindi ito inaalis ng Pangulo.

“The DTI is closely coordinating with other government agencies, manufacturers, and retailers of basic goods to ensure availability and continuous supply in the market,” wika ni Trade Secretary Ramon Lopez.

“Retailers are reminded that there should be no price movement on these goods while the price freeze is in effect,” dagdag pa niya.

Napaulat ang panic buying sa mga grocery at supermarket sa Metro Manila noong Miyerkoles sa harap ng pangamba sa lockdown dahil sa pagkalat ng COVID-19.

Hanggang kahapon ay umabot na sa 52 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, 16 rito ay iniulat noong Miyerkoles.

Kabilang sa basic goods, sa ilalim ng DTI, na sakop ng price freeze ay ang canned fish at iba pang marine products, locally manufactured instant noodles, bottled water, tinapay, processed milk, kape, kandila, sabong panlaba at asin.

Sakop din ng price freeze ang bigas, mais, cooking oil, fresh, dried at iba pang marine products, fresh eggs, fresh pork, beef at poultry meat, fresh milk, fresh vegetables, root crops, sugar, at fresh fruits.

“Basic goods under the Department of Health (DOH) cover essential drugs, firewood and charcoal for the Department of Environment and Natural Resources (DENR), and household LPG and kerosene under the Department of Energy (DOE),” ayon sa DTI.

“The Department continues to intensify its monitoring and enforcement activities on the prices of basic goods in the market, including N-95, N-88, and other similar face masks,” wika ni Trade Undersecretary Ruth Castelo.

Ang mga establisimiyento na lalabag sa price freeze ay mahaharap sa parusang pagmumulta ng mula P5,000 hanggang P1 million, at/o pagka-bilanggo ng 10 taon.

Comments are closed.