IPATATANGGAL na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang plastic covers o barriers sa loob ng mga establisimiyento na bahagi ng COVID-19 protocols na kailangang sundin ng mga negosyo.
“Isa pang kino-consider na pagtanggal, whether mag-move tayo sa Alert Level 1 o hindi, ay ‘yung mga acylic barriers,” pahayag ni Trade Secretary Ramon Lopez sa isang panayam sa radyo nitong Miyerkoles.
“Puwede nang tanggalin ‘yan, ipo-propose natin sa IATF [Inter-Agency Task Force],” ani Lopez.
Ayon sa kalihim, ang Omicron variant ng COVID-19 ay airborne kaya puwede nang tanggalin ang plastic barriers .
Gayunman, ang mga taong nasa loob ng establisimiyento ay kailangan pa rin aniyang sumunod sa minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks, physical distancing, at hand-washing at sanitizing.