ISA NA LANG SA BUCKS (Rockets tumabla sa 2-2)

bucks

UMISKOR si George Hill ng siyam na puntos sa game-turning third quarter run ng Milwaukee upang tulungan ang Bucks na gapiin ang host Boston Celtics, 113-101, at kunin ang commanding lead sa Eastern Conference semifinals noong Lunes ng gabi.

Abante ngayon ang Bucks sa best-of-seven series sa 3-1. Sisikapin ng Milwaukee na masementuhan ang unang pagbiyahe nila sa conference finals magmula noong 2001 sa Miyerkoles kapag nag-host ito ng Game 5.

Tatangkain naman ng Celtics na maging ika-12 koponan sa kasaysayan ng NBA na nakabangon mula sa 3-1 deficit sa best-of-seven set at una magmula nang pataubin ng Cleveland Cavaliers ang Golden State Warriors sa 2016 NBA Finals.

Samantala, nagbuhos si James Harden ng game-high 38 points at 10 rebounds, habang nagbigay ng sapat na suporta sina Eric Gordon at P.J. Tucker nang maitabla ng Houston Rockets ang kanilang Western Conference semifinal series laban sa bumibisitang Golden State Warriors sa pamamagitan ng 112-108 panalo sa Game 4 noong Lunes.

Tabla ang best-of-seven series sa 2-2 at nakatakda ang Game 5 sa Miyerkoles sa Oakland, Calif.

Nag-ambag si Gordon ng 20 points, at tumapos si Tucker na may 17 points at 10 rebounds.

Comments are closed.