ISA PANG AMO NI ELVIE KALABOSO SA SENADO

IKINULONG sa Senado si Pablo Jerry Ruiz, isa pa sa mga amo ng minaltratong kasambahay na si Elvie Vergara, matapos siyang ipa-contempt ng Senate Committee on Justice and Human Rights.

Ito ay makaraang suportahan ni Senador Jinggoy Estrada ang mosyon ni Senador Raffy Tulfo, na nagpahayag ng kanyang pagkadismaya sa mga “kasinungalingan” ni Ruiz sa harap ng komite.

Sa pagdinig, patuloy na ipinagtanggol ni Ruiz ang kanyang asawa na si France Ruiz, na una nang ipina-contempt ng komite ng Senado na nag-iimbestiga sa umano’y pagmamaltrato kay Vergara.

Ibinasura rin ng Senate panel ang motion for reconsideration na inihain ng kampo ni France Ruiz na humihiling na palayain siya mula sa kustodiya ng Senado.

LIZA SORIANO