MALAKING hamon sa mundo ng pahayagan ang walang tigil na pag-usbong ng makabagong teknolohiya na halos nasa ating mga daliri na lamang ang mga impormasyon dahil sa mga inobasyon, iba’t ibang plataporma at aplikasyon. Sa kabilang banda, kung tama ang paggamit sa mga ito, higit na makabubuti ito sa pagbibigay impormasyon nang mas mabilis sa progresibong panahon.
Nang magsimula ang PILIPINO Mirror taong 2012, marami nang social media platforms tulad ng Facebook, Twitter, Skype, Snapchat at kung anu-ano pa na libreng nagagamit para maging “new forms of information” subalit hindi ito naging hadlang sa pahayagan dahil batid nito na mas mahalaga ang pagbabalita na mayroong sinusunod na pamantayang standard sa industriya ng Journalismo hindi tulad ngayon na nangingibabaw ang paglipana ng “fake news”.
Bukod sa kailangang dumaan muna sa mga mabusising mata at pag-iisip ng mga editor na ang sandata ang ay “Code of Journalism Ethics” ng pahayagan bago i-publish ang artikulo, isa pang patunay dito ay ang mga natatanggap na parangal at pagkilala mula sa iba’t ibang organisasyon, ahensya ng pamahalaan at prestihiyosong tulad ng Gawad Tagapuri ng Aninong Gumagalaw (Gawad TANGLAW) na binubuo ng mga akademisyan mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa bansa.
Siyempe pa, hindi matatawaran ang tiwalang ibinibigay na suporta ng mga advertiser at partner ng PILIPINO Mirror sa loob ng sampung taon. Kaya naman, ISANG DEKADANG PASASALAMAT po sa inyo!
• SAN MIGUEL CORPORATION (SMC)
• THE MANILA ELECTRIC COMPANY (MERALCO)
• INTERNATIONAL CONTAINERS TERMINAL SERVICES, INC. (ICTSI)
• PAG-IBIG FUND
• SM GROUP (SUPERMALLS, RETAIL, FOUNDATION, STORE AT INVESTMENTS)
• GLOBE TELECOM
• SUNSMART SOLAR POWER TECHNOLOGY, INC. (SUNSMART)
• VETERANS BANK
• PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) / PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA)
• TEAM ENERGY CORPORATION
• CITYSTATE PROPERTIES
• FULL CIRCLE COMMUNICATIONS, INC.
• CITYSTATE SAVINGS BANK, INC. (CSBI)
• PLDT / SMART
• ETERNAL GARDENS
• FORTUNE GENERAL
• BUREAU OF FISHERIES AND AGRARIAN REFORM (BFAR)
• PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION (PAGCOR)
• PHILIPPINE HEALTH AND INSURANCE CORPORATION (PHILHEALTH
• LOCAL GORVENMENT OF MAKATI (MAKATI LGU)
• MANILA GRAND OPERA HOTEL
• DEPARTMENT OF AGRICULTURE (DA)
• ETERNAL PLANS
• HOTEL SOGO
• DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT (DOLE)
• GMA 7 (KAPUSO)
• ISUZU GENCARS
• LOCAL GOVERNMENT OF NAVOTAS (NAVOTAS LGU)
• LOCAL GOVERNMENT OF MUNTINLUPA (MUNTINLUPA LGU)
• NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES (NGCP)
• NATIONAL HOME MORTGAGE FINANCE CORPORATION (NHMFC)
• LOCAL WATER UTILITIES ADMINISTRATION (LWUA)
• BPI BANKO
• UNITED LABORATORIES, INC. (UNILAB)
• OFFICE OF THE PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
• OFFICE OF THE VICE-PRESIDENT LEONOR ROBREDO
• PRESIDENT-ELECT FERDINAND ROMUALDEZ MARCOS, JR.
Ilan lamang iyan sa madalas na sumuporta sa amin. Napakarami pang iba. Pinasasalamatan din namin ang aming mga suki na walang-sawa sa pagbili at pagbabasa sa aming pahayagan sa araw-araw mapa-print o online man.
Isa rin sa ipinagmamalaki ng PILIPINO Mirror ay ang pagkakaroon nito ng bagong programa sa radio na DWIZ 882 na USAPANG PAYAMAN – itatampok namin dito ang mga mahahalagang nailathala sa pahayagan na may kinalaman sa usaping pinansyal at nakaka-inspire na kuwento ng tagumpay sa buhay at negosyo. Makakasama rin nina Eunice Calma at Cris Galit, hosts ng programa, ang mga magagaling na “business columnists” ng pahayagan sa naturang programa sa radio at magtatampok din ito ng mga personalidad na malaki ang maitutulong sa ating mga kababayan hinggil sa kaalamang pinansyal at pagnenegosyo.
Ang USAPANG PAYAMAN na hatid ng PILIPINO Mirror ay sabay na mapakikinggan at mapapanood sa DWIZ 882 at DWIZ Digital TV sa ganap na alas dos hanggang alas tres ng hapos tuwing Linggo.
Muli, ISANG DEKADANG PASASALAMAT mula sa inyong PILIPINO Mirror – Ang Unang Tabloid sa Negosyo, na mapakikinggan na sa radio at mapapanood sa online.
### CRIS GALIT ###