PUSPUSAN na ang konstruksiyon ng Calumpit Main Site Yard sa Philippine National Railways (PNR) Clark Phase 1 (Tutuban-Malolos).
Ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr) ang mga larawan ng konstruksyon ng pasilidad sa bahagi ng Calumpit, Bu-lacan sa kanilang Facebook account.
Ayon sa DOTr, ang 14-hectare area ay magsisilbing main production site para sa precast segments ng Contract Package 2 ng PNR Clark Phase 1.
Sakop ng CP02 ang pagtatayo ng tatlong istasyon kabilang ang Balagtas, Guiguinto, at Malolos.
Oras na maging fully operation ang PNR Clark Phase 1, mula sa isang oras at 30 minutong biyahe, magiging 35 minuto na lang ang biyahe mula Maynila hanggang Bulacan at pabalik.
Inaasahang maseserbisyuhan nito ang 300,000 pasahero kada araw.
Comments are closed.