ISANG PWD, MAHUSAY NA TESDA TRAINER

HINDI inaasahang naputol ang magandang career at engineering works sa  Department of Public Works and Highways (DPWH) ni Danilo ‘Dani’  Corpuz,  matapos siyang dapuan ng sakit na polio.

“My impairment was the reason that my normal routine had a big change.”

Danilo Corpuz.jpgGayunpaman, hindi hinayaan ni Dani na igupo siya  ng kanyang kapansanan, nagbago siya ng career path sa tulong ng skills training program ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ngayon isa na siyang matagumpay na technical-vocational education and training (TVET) trainer.

Bilang isang young professional noon, na nagtapos ng BS in Mechanical Engineering sa Mapua Institute of Technology  (MIT), na may  maayos na trabaho sa DPWH, hindi maisip ni Dani na makita ang kanyang sarili na nakatambay   lamang sa kanilang bahay na may tungkod, dahil sa sakit.

Sa halip, kinuha pa siya sa semicon industries bilang design engineer, subalit,  dahil sa mabilis na mga pagbabago ng teknolohiya, napag-iiwanan siya.  Nag-apply  siya bilang partime trainer sa Informatics, sa isang registered TVI (Technical Vocational Institution (TVI) sa Cavite. “It was then that the government gave scholarship thru TESDA.

“That’s the time I knew of the TESDA National Certificate and Assessment,” dagdag nito.

Dahil dito, nag-self-study at sumailalim sa National  Assessment  sa TESDA  at kumuha ng  National TVET Trainer  Certificate (NTTC)  at  Teaching Methodology ™ l,  na sabay-sabay nitong ginawa noong 2010.  Ang mga ito ay pawang kailangan nito  bilang trainer.

“If not for TESDA, I wouldn’t be able to regain my self-esteem.  I became determined to surpass my limitation as a person with disability.  I have to keep learning, I have to be re-tooled for the missed education after the years of knowledge-dormant.”

Si Dani ay NC holder ng Technical Drafting NC ll, Visual Graphics Design NC lll at 3D Animiation.

Bagama’t hindi madali, nalagpasan ni Dani ang lahat ng diskriminasyon.  Ang kanyang kasalukuyang employer ay malaki ring instrumento, na pinahalagahan ang kanyang kakayahan sa halip na ang kanyang kapansanan na pinatuna­yan ng kanyang  National Certificate.

Nasa ikasampung taon na siyang nagseserbisyo sa Informatics College of Cavite sa Imus bilang regular at fulltime trainer.

Comments are closed.