ISAT-TESDA TUTOK SA FOOD FOOD FOOD PROGRAM

ISAT-TESDA

ISABELA – Tatlong (FFF) ang pangunahing tinututukan ng pamunuan ng Isabela School of Arts and Trade at Technical Education ang Skills Authority (ISAT-TESDA) ang Food Food Food Progarm ng pamahalaan  sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga libreng training sa iba’t ibang Local Government Units (LGU) may kaugnayan sa agrikultura.

Napag-alamang na nagsimula na umano ang pagbubukas ng limited face-to-face learning ay para sa mga contractees o hindi nangangailangan ng personal na pakikisalamuha ng mga tao sa isa’t isa.

Ayon kay Superintendent Edwin Madarang ng (ISAT-TESDA), sinabi niya na ang hakbang ng kanilang pamunuan ay naglalayong makapagbigay ng sapat na kaalaman upang matustusan ang mga pangangailangan ng mga residente pagdating sa pagkain lalo na ngayong nararanasan ang COVID-19 pandemic.

Ang isa pang layunin ng ISAT-TESDA na mabigyan ng prayoridad ang larangan ng agrikultura sa lalawigan dahil kailangang maisa-alang-alang ang food security na siyang makakatulong upang labanan ang kasalukuyang nararanasang pandemya.

Sa kasalukuyan ay isinasagawa ang pagsasanay sa iba’t ibang barangay sa lunsod ng Ilagan maging sa ilang bayan sa Isabela, na ang mismong pamunuan ng ISAT-TESDA ang nagtutungo sa mga lugar upang ihatid ang mga kaalaman sa mga mamamayan.

Sa isinagawang Vitual Conference na pinamunuan ng Philippine Impormation Agency (PIA) katuwang ang ISAT-TESDA ng Isabela, at nang grupong TRI-MEDIA Isabela, na tuloy tuloy ang kanilang isasagawang training lalo na umano sa mga rebel returnees na patuloy na bumababa at nagbabalik loob sa pamahalaan. IRENE V. GONZALES

Comments are closed.