NAGBABALA kahapon ang dalawa sa pinakamalaking business organizations sa bansa laban sa muling pagpapatupad ng blanket lockdowns sa gitna ng patuloy na pagsipa ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), ang dapat na ipatupad ng pamahalaan ay granular lockdowns upang mapigilan ang surge sa COVID-19 cases sa halip na lalo pang higpitan ang restrictions sa general public.
“Yes it has been talked about — Level 4. But at the same time, what we want to impress on the government is, follow the proven application of granularity wherein the local government, mas may visibility sila on the ground,” sabi ni PCCI president George Barcelon.
Sinabi naman ng Management Association of the Philippines na maaapektuhan ng mas mahigpit na restrictions ang pagbangon ng ekonomiya.
“Should mobility restrictions increase once more, it will set back our country’s economic recovery, and cause undue hardship for the business sector and the workers who could lose their jobs,” ani MAP president Alfredo Pascual.
Sinabi ni Barcelon na dapat makipagtulungan ang pamahalaan sa business organizations para mapanatili ang ligtas na working environment na hindi maaapektuhan ang ekonomiya.
Aniya, marami sa pribadong sektor ang pinaigting ang testing, at bagama’t lumolobo ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19, karamihan sa mga infected ay may mild o walang symptoms.
“It gives us confidence that what is happening, yes the number is high, but these are treatable in a short period.”