(Isinusulong ng DTI) ZERO TARIFF SA E-VEHICLES

IPINANUKALA ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pag-aalis ng import duty sa electric vehicles para mapabilis ang paglipat ng bansa sa e-vehicles.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ang pag-a-adjust ng taripa sa e-vehicles ay magpapababa sa halaga  ng naturang mode of transportation na makahihikayat ng mas maraming tao na gumamit ng e-vehicles kaysa sa mga sasakyang pinatatakbo ng krudo.

“We proposed to adjust the tariff rate from 30 percent to zero in order to populate the market with e-vehicles,” sabi ni Lopez.

Ang e-vehicles na nagmumula sa Asean ay  zero-duty na habang ang karamihan sa most favored nations ay nagpapataw ng  30-percent tariff.

Ani Lopez, ang epekto ng polisiyang ito ay maaaring maramdaman simula sa second half ng taon, subalit makatutulong ito sa pagbabawas ng konsumo ng bansa sa langis, na pabago-bago ang presyo.

Dagdag pa ng trade chief, ang e-vehicles ay hindi lamamg makapagpapabawas sa local oil consumption kundi makatutulong din sa pagbabawas ng carbon emission.

Sa pagpapabilis ng paglago ng e-vehicles, sinabi ni Lopez na ganito rin ang dapat gawin sa pagtatayo ng charging stations sa buong bansa. PNA