HINILING ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagkakaloob ng libreng matrikula sa mga kawani ng gobyerno na kumukuha ng master’s degree sa state universities and colleges (SUCs).
Inihain ni Estrada ang Senate Bill No. 2277, o ang panukalang “Government Employees Free MA Tuition in SUCs Act”, upang gawing libre ang tuition sa SUCs ng mga career at non-career employees na gobyerno na nais makapagtapos ng dalawang taon na masteral program.
“Ang mga kawani ng gobyerno ay may mahalag- ang papel sa human resources ng bansa kaya importante na mabigyan sila ng mga opor- tunidad na maitaas ang antas ng kanilang edukasyon at kasanayan. Sa pagpapahusay ng propesyonalisasyon ng mga empleyado ng gobyerno, mas magiging epektibo ang paghahatid ng serbisyo sa publiko,” ani Estrada.
Ayon sa senador, may ilang ahensiya na nag- bibigay na ng scholarship grants tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Presidential Communications Office (PCO) sa mga kwalipikadong kawani na nagma-masteral.
“Maraming empleyado sa ibang sangay ng gobyer- no ang nagnanais na magpatuloy ng kanilang edukasyon para mapahusay ang kanilang personal na paglago, maisulong ang pag-angat sa kanilang karera at makapaglingkod sa publiko nang mas epektibo,” anang senador.
Aniya, ang mga matataas na posisyon sa gobyerno na ibinibigay sa mga kawani na may master’s degree ay upang masiguro na ang kawani ay may kakayahan sa pagganap sa kanyang responsibilidad at makagawa ng naaayong mga desisyon para sa kanilang organisasyon.
Batay sa Inventory of Government Human Re- sources (IGHR) ng Civil Service Commission (CSC) noong Hunyo 30, 2022, may kabuuang 1,820,457 na career at non-career employees sa gobyerno.
Ang gastusin sa pagkuha ng masteral degree ay nasa P800 hanggang P1,500 bawat unit o nagkakahalaga ng P19,000 hanggang P50,000 ang tuition para makakumpleto ng 24-unit program.
Bukod dito, may iba pang kaakibat na bayarin para sa pagtatapos ng nasabing programa.
Para maging kwalipikado sa panukalang batas, ang mga non-career contractual government personnel ay dapat nasa serbisyo na hindi bababa sa limang taon at pu- masa sa entrance examination at iba pang admission at retention requirements ng SUCs. Ang mga nagawaran na dati ng mga government-sponsored graduate education scholarships sa anumang higher education institution, pampubliko man o pribado, dito o sa ibang bansa ay hindi na kwalipikado.
–VICKY CERVALES