AKLAN – BAGAMAN naging mahigpit ang pulisya sa unang araw ng muling pagbubukas ng Boracay Island, mayroon pa ring kawatan na nakaiskor sa magkasintahang Italyano.
Dumulog sa himpilan ng pulisya si Fabio Sidri, 44-anyos, na naka-billet sa isang sikat na hotel sa Brgy. Balabag sa naturang is-la.
Base sa paunang imbestigasyon ng Malay PNP, natangay ng mga suspek ang itim nitong pitaka na naglalaman ng iba’t ibang cards, mahigit sa $60 at P15,000 cash.
Sapol naman ng closed circuit television (CCTV) ang pagnanakaw kung saan napag-alamang kinabibilangan ng tatlong lalaki at isang babae ang mga suspek.
Inipit umano ng dalawa ang biktima at ang dalawa naman ang dumiskarte sa pagkuha ng laman ng bag. EUNICE C.
Comments are closed.