MUKHANG hindi lang sa tunay na buhay ang ‘forever’ sa magsyotang sina Jak Roberto at Barbie Forteza kundi maging sa showbiz career nilang dalawa.
Unang sumikat ng husto ang tambalan nina Jak at Barbie nang magsama sila sa “Meant to Be”, nasundan ito ng “Kara Mia” na nagtapos kamakailan lang. Marami ang nag-e-expect na sa susunod na proyekto ni Barbie ay iba namang Kapuso actor ang kanyang makakasama pero kamakailan lang ay naganap ang isang story conference para sa bagong project ni Barbie at ang boypren na si Jak muli ang kanyang makakasama.
Bukod sa kanilang dalawa, kasama rin sina Tina Paner, Kristoffer Martin, Yayo Aguila at marami pang iba. May pagka-romantic comedy ang naturang bagong proyekto ng dalawa na tulad sa genre ng “Meant To Be” pero by this time sa kanila na lang ni Jak at Barbie tatakbo ang romance. Marami na tuloy ang nagsasabing package deal na nga ba ang magsyota? Pero para kay Barbie, kung anuman ang ibigay sa kanyang project ng GMA-7 ay tinatanggap niya ito at alam naman niyang para na rin sa kanyang karir.
MARK HERRAS MAY BAGO NANG PAG-IBIG
SIMPLE na lang ba ang dating ngayon ng lovelife ni Mark Herras? ‘Di tulad ni Benjamin Alves, sa paglantad pa lang ng litratong may kasama na isang modelo ay inamin na rin ng actor ang relasyon nila ng naturang modelo.
Tahimik naman ang kampo ni Mark sa patuloy na paglakas ng bulong-bulungan na sila na ni Nicole Donesa, baguhang Kapuso young actress at co-star ni Mark sa katatapos lang na afternoon soap na “Bihag”.
Napapadalas diumano ang posting ng mga sweet pictures nila together sa social media at maraming nakapupuna na may something na talaga ang dalawa, pero wala pa ring pag-amin. At kahit tapos na raw ang taping ng ‘Bihag’ ay patuloy pa rin ang komunikasyon ng dalawa.
Sa ngayon ay may nagsasabing tila may dalang suwerte kay Nicole ang rumored boypren dahil hindi pa man nag-tatagal ay nakasama naman siya sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na “Descendants of the Sun” ni Dingdong Dantes. Lalabas siyang isa sa member ng military medical team. Kasali rin si Nicole sa nag-training ng first aid sa kampo militar.
Comments are closed.