HINDI pa tapos ang problema ni Jio Jalalon sa kanyang pamilya ay may bago na naman siyang kakaharapin na problema kaugnay naman sa kanyang basketball career.
Sa report ng GMA sports news, si Jalalon ay pinagmulta ng PBA ng P75, 000 at sinuspinde ng 5 games sa kadahilanang naglaro ito sa labas ng liga na mahigpit ipinagbabawal ng PBA kahit noong wala pang pandemya.
Mahigpit ang health protocols ng IATF sa PBA. Ipinagbabawal ang paglabas ng mga player sa kanilang bahay at pagkatapos ng practice, dapat ay stay at home lang sila. Sa ginawa ni Jio ay huwag naman sanang maapektuhan ang
pag bubukas ng 46th season ng PBA na nakatakda ngayong July 16 sa Ynares Arena Pasig.
Marami na rin ang sumuway sa batas ng PBA tulad ng mga player na lumaro sa ligang labas kung saan pinagmulta ng P50k sina Vic Manuel. Calvin Abueva, Ping Exciminiano ar iba pa.
Minsan kasi sa sobrang pakikisama ng mga mababait na players, kahit walang bayad ay pinagbibigyan nila ang kanilang mga kaibigan. Parang tumatanaw lang sila ng utang na loob. ‘Yun nga lang, sadyang bawal ang lumaro sa ligang labas kasi baka madale ng injury at kawawa ang kanilang mga team na nagpapasuweldo sa kanila nang malaki.
Ano kaya ang masasabi ng Magnolia Hotshots management sa bagong problema ni Jalalon? Masakit ito sa bulsa ng player dahil siya mismo ang magbabayad ng kanyang multa
Excited na ang fans sa pagbubukas ng PBA ngayong July 16 bagama’t wala pa ring audience. Ok lang umano ito sa kanila dahil mapapanood na nila ang kanilang mga paboritong team kahit sa television lang.
Darating din daw ang tamang panahon na papayagan ng IATF ang audience sa liga tulad sa NBA.
Pansamantala ay tiis muna sila sa TV, puwede pa rin daw naman silang magsipag-cheer sa kanilang mga pabortong koponan.
Kung ang fans ay excited sa pagbubukas ng liga, ganoon din naman ang mga player na halos pitong buwan ang hinintay para na muling makapaglaro sa hardcourt at ilabas ang kanilang husa sa paglalaro.
Mula nang matapos ang PBA bubble na ginawa sa Clark, Pampabga ay nahinto ang tournament dahil bumalik sa MECQ at ECQ ang mga lugar na pagdadausan sana ng PBA.
Ngayong magsisimula na ang PBA ay dalawang conference ang gagawin. Ang una ay ang Commissioner’s Cup at ang 2nd conference ay ang Governors’ Cup na posibleng abutin hanggang January 2022. Good luck!
Hanggang ngayon ay wala pang bagong kontrata si Beau Belga ng Rain or Shine. Ngayong Oktubre ay matatapos na ang kanyang kontrata sa team. Ngunit ayaw pang pag-usapan ng management ang renewal ng kanyang kontrata. Bagaman ganoon ang nangyayari ay patuloy ang pagpapalitang-gilas ni Belga sa ensayo.
Gaano kaya katotoo na nawalan na ng gana ang NLEX Road Warriors na kunin pa si ‘extra rice’ sa tagal ng paghihintay ng kampo ni coach Yeng Guiao? Alam naman ng lahat na paborito ni coach Guiao si Beau para muling magsanib-puwersa sila ni JayR Quinahan. Kaso nga ay wala pang tugon ang Elasto Painters kung iti-trade itong si Belga.
435667 590976Excellent post mate, keep the fantastic function, just shared this with ma friendz 555514