NAGING matagumpay ang pagbabalik ni LeBron James mula sa injury at napanatiling buhay ng Los Angeles Lakers ang kanilang pag-asa para sa automatic NBA playoff spot sa pamamagitan ng 122-115 panalo kontra Indiana Pacers noong Sabado.
Tumapos si James na may 24 points habang pinamunuan ni Anthony Davis ang scoring na may 28.
Maaari pang makuha ng Lakers ang sixth seed at makaiwas sa play-in tournament kapag nanalo sila sa kanilang final game sa regular season laban sa New Orleans Pelicans sa Linggo at kapag natalo ang Portland sa Denver sa kanilang huling laro.
Nagbalik din si Germany’s Dennis Schroder mula sa seven-game layoff dahil sa COVID-19 protocols.
Anim na Lakers players ang nagtala ng double figures, kabilang si Schroder na tumipa ng 14 points.
SUNS 140,
SPURS 103
Inantala ng Phoenix Suns ang koronasyon ng Utah bilang top seeds sa Western Conference makaraang durugin ang San Antonio Spurs, 140-103.
Ang pagkabigo ng Phoenix ay magbibigay ng garantiya sa top spot sa West sa Jazz, na kailangang hintayin ang final round ng regular season games upang kunin ang top seed.
Nanguna si Devin Booker sa blowout victory ng Phoenix na may 27 points habang nag-ambag si Mikal Bridges ng 18.
NETS 105,
BULLS 91
Nagpainit ang Brooklyn Nets para sa playoffs sa pamamagitan ng 105-91 panalo kontra Chicago Bulls.
Ito ang unang pagkakataon na nagkasama-sama sa loob ng court ang ‘big three’ ng Brooklyn na sina Kevin Durant, James Harden at Kyrie Irving magmula noong Pebrero.
Nanguna si Irving para sa Brooklyn na may 22 points habang tumapos si Durant na may 12 at nagtala si Harden ng 5.
“The fact they’re on the court together is positive,” wika ni Nets coach Steve Nash patungkol kina Durant, Harden at Irving.
“Just the chance to feel it so it’s not so brand new when we start the playoffs next weekend.”
“It wasn’t a great game, we weren’t very sharp,”dagdag ni Nash. “We weren’t firing on all cylinders but we got out of it with a win.
“We got the job done and we move on tomorrow. Hopefully we can have a good game and that sets us up for a good week of practice.”
Sa iba pang laro, nakalikom si Khris Middleton ng 21 points, 7 rebounds at 7 assists upang pangunahan ang host Milwaukee Bucks sa 122-108 panalo laban sa Miami Heat.
Nagbuhos si Jayson Tatum ng 26 points at 11 rebounds upang tulungan ang Boston Celtics na putulin ang four-game losing streak sa pamamagitan ng 124-108 panalo kontra host Minnesota Timberwolves.
Naitala ni Julius Randle ang kanyang ika-6 na triple-double sa season upang pangunahan ang host New York Knicks sa 118-109 win laban sa Charlotte Hornets.
We stumbled over here different website and thought I should check
things out. I like what I see so now i’m following you.
Look forward to exploring your web page repeatedly.
If you would like to take a great deal from this article then you
have to apply such techniques to your won webpage.
Thanks for ones marvelous posting! I genuinely enjoyed
reading it, you could be a great author.I will ensure that I bookmark your blog and will often come back at
some point. I want to encourage yourself to continue your
great work, have a nice morning!