HUMATAW si LeBron James ng 35 points at 16 rebounds at umiskor si Kyle Kuzma ng season-high 24 points nang gapiin ng Los Angeles Lakers ang Dallas Mavericks, 129-114, noong Biyernes ng gabi.
Naging dominante si James mula umpisa upang tulungan ang Lakers na itarak ang 22-point lead sa first half.
Tumapos si Tim Hardaway na may 22 points para sa Dallas.
NETS 117, HEAT 113
Nagbuhos si Spencer Dinwiddie ng 26 points at nagtala ng career-high 14 assists nang palamigin ng Brooklyn ang Miami at putulin ang seven-game losing streak.
Umiskor si Rodions Kurucs ng 19 points at nagdagdag si Taurean Prince ng 17 para sa Brooklyn.
Tumapos si Jarrett Allen na may 11 points at 11 rebounds para sa kanyang team-high 17th double-double sa season.
Nakalikom si Jimmy Butler ng 33 points at nagdagdag si Bam Adebayo ng 22 para sa Heat.
PELICANS 123,
KNICKS 111
Tumirada si Brandon Ingram ng 28 points at nag-ambag si Jaxson Hayes ng 18 points at 10 rebounds upang pangunahan ang New Orleans laban sa Knicks.
Nagposte si Lonzo Ball ng 15 points at 11 assists, at nagdagdag si Josh Hart ng 13 points at 10 rebounds sa pagtala ng Pelicans ng ika-7 panalo sa siyam na laro.
Nanguna si Taj Gibson para sa Knicks na may season-high 19 points, kabilang ang 8 of 8 mula sa field. Tumipa si RJ Barrett ng 16 points, at tumapos sina Reggie Bullock at Elfrid Payton na may 15.
Nalasap ng Knicks ang ika-5 sunod na kabiguan matapos ang season-best three-game winning streak.
CLIPPERS 109,
WARRIORS 100
Tumabo si Kawhi Leonard ng 36 points, nagdagdag si Lou Williams ng 21 at humabol ang Clippers mula sa 10-point deficit sa pagsisimula ng fourth quarter upang pataubin ang Golden State.
Tinalo ng Clippers ang Warriors sa dalawang sunod na laro sa unang pagkakataon magmula noong 2011.
Tumipa sina Glenn Robinson III at Omari Spellman ng tig-17 points para sa Golden State, na nabigo sa huling pitong laro. Nagdagdag si Alec Burks ng 16.
WIZARDS 111,
HAWKS 101
Gumawa si Jordan McRae ng 29 points, nagdagdag si Troy Brown Jr. ng 18 points at 10 rebounds, at nalusutan ng Washington ang poor shooting performance upang igupo ang Atlanta.
Natalo ang Atlanta, may worst record sa NBA, sa ika-14 na pagkakataon sa 16 games. Nanguna si Trae Young, bumirada ng 42 points sa pagkatalo sa Houston noong Miyerkoles, para sa Hawks na may 19 points.
Naitala ni John Collins ang kanyang ikalawang sunod na double-double na may 15 points at 15 rebounds para sa Atlanta, at tumipa si Alex Len ng 10 points at 14 rebounds.
PACERS 116, BULLS 105
Nagtala si Myles Turner ng season highs 27 points at 14 rebounds, at nalusutan ng short-handed Indiana and pananalasa ni Zach LaVine upang ibasura ang Chicago.
Nalusutan ng Pacers ang 43 points ni LaVine at naitakas ang panalo makaraang burahin ng Chicago ang 16-point deficit upang tapyasin ang kalamangan sa apat sa closing minutes.
Gumawa si T.J. Warren ng 17 para sa Indiana matapos na pagmultahin ng $25,000 ng NBA dahil sa altercation kay Miami’s Jimmy Butler noong Miyerkoles ng gabi.
Sa iba pang laro ay nadominahan ng Grizzlies ang Spurs, 134- 121; pinulbos ng Jazz ang Hornets, 109-92; at pinaso ng Suns amg Magic, 98-94.
Comments are closed.