LOS ANGELES – Tumabo si LeBron James ng 21 points, 14 rebounds at 11 assists, at naitala ni Anthony Davis ang walo sa 20 blocked shots ng Los Angeles Lakers sa kanilang ika-5 sunod na panalo, 106-99, laban sa Detroit Pistons noong Linggo ng gabi.
Naiposte ni Davis ang 11 sa kanyang 24 points sa huling 3:40 at nagdagdag ng 11 rebounds para sa Lakers, na nabitiwan ang late 11-point lead sa wild fourth quarter at muntik nang matalo sa koponan na may losing record sa unang pagkakataon sa la-hat ng season.
Sa halip, umiskor si Alex Caruso ng 13 points at kinapos ang Lakers ng isang blocked shot sa kanilang franchise record habang nanatiling walang talo magmula noong Pasko, kung saan sila may four-game skid. Ang Los Angeles ay may 21 blocks kontra Denver noong April 1982.
Tumapos si James na may 90th career triple-double, ang kanyang ika-9 sa season at ikalawa sa limang araw.
Tumipa si Derrick Rose ng 28 points at nagdagdag si dating Lakers guard Svi Mykhailiuk ng 14 para sa Pistons.
HEAT 122, TRAIL BLAZERS 111
Nagbuhos si Goran Dragic ng 29 points at 13 assists, at nagdagdag si Bam Adebayo ng 20 points sa 9-for-10 shooting nang gapiin ng Miami ang Portland.
Napantayan ni Dragic ang career best na may pitong 3-pointers. Umiskor si Derrick Jones Jr. ng 19 points para sa Heat, na nakakuha ng 14 mula kay Kendrick Nunn at 12 points sa loob ng 22 minuto kay little-used James Johnson, na ginamit sa pagkawala ni Jimmy Butler.
Nanguna si Damian Lillard para sa Portland na may 34 points at 12 assists, habang tumapos si dating Heat center Hassan Whiteside na may 21 points at 18 rebounds para sa Portland. Gumawa si Anfernee Simons ng 19 points mula sa bench.
Sa iba pang laro ay sinakmal ng Timberwolves ang Cavaliers, 118-103; nasingitan ng Clippers ang Knicks, 135-132; at pinalubog ng Grizzlies ang Suns, 121-114.