JAMES, GEORGE, LEONARD SA LAKERS?

MAAARING ito ang pinakamalaking franchise changing offseason para sa Los Angeles Lakers, salamat sa isang star-studded free agent market na inaasahang tatampukan nina LeBron James at Paul George.

Umaasa ang Lakers na maibabalik ang kanilang masasayang araw sa pagbuo ng isang potential super team sa pamamagitan ng isa sa pinakamalakas na free agent offerings sa loob ng maraming taon.

Maaaring mangahulugan ito ng panliligaw kina James at George,  na matagal nang interesado sa Lakers.  Ang dynamic duo ay magagamit ng Lakers sa trade talks para kay Kawhi Leonard, na nais nang kumalas sa San Antonio.

Sina George at James ay may hanggang Biyernes upang pormal na gamitin ang kanilang player options sa mga huling taon ng kanilang kontrata at maging unrestricted free agents.

Ang paghugot sa tatlong ito ay isang sitwasyon na pinapangarap ng mga tagahanga ng Lakers at magbabalik sa mga alaala ng Showtime Dynasty ng 1980s. Si George ay mula sa Palmdale, California, northwest ng Los Angeles, at si Leonard ay mula sa Riverside, 88 kilometres (55 miles) east.

Naunang sinabi ni Lakers president Magic Johnson na magbibitiw siya kapag hindi siya nakakuha ng superstars via trades o free agent market sa loob ng dalawang taon.

Ang mga unrestricted free agent ay maaaring sumang-ayon sa kasunduan sa Linggo. Ang mga kontrata ay maaaring opisyal na lagdaan sa Hulyo 6.

Comments are closed.