JAMES HATAW NG TRIPLE-DOUBLE SA OT WIN NG LAKERS VS KNICKS

KUMANA si LeBron James ng 28-point triple-double nang maitakas ng Los Angeles Lakers ang 129-123 overtime win kontra New York Knicks nitong Martes.

Si James ay nangangailangan na lamang ngayon ng 89 points para malagpasan si Kareem Abdul-Jabbar bilang NBA’s all-time leading points scorer matapos ang isa pang superb performance sa kanyang 20th season.

Nalagpasan ng 38-year-old ang dalawa pang milestones nitong Martes nang makopo niya ang katlong triple double sa kanyang career sa Madison Square Garden.

Tumapos si James na may 28 points, 10 rebounds at 11 assists, kung saan nalagpasan niya kapwa sina Mark Jackson at Steve Nash sa fourth sa all-time rankings para sa assists.

Sa kanyang unang triple double sa 2022-2023 campaign, si James ay naging unang player sa kasaysayan na umiskor ng triple-double sa kanilang 20th season.

Ang Lakers star ay sinuportahan nina Anthony Davis na may 27 points at new signing Rui Hachimura, na tumapos na may 19 points at 9 rebounds. Nagdagdag si Russell Westbrook ng 17 points off mula sa bench.

“We played good ball throughout 48 minutes tonight,” sabi ni James matapos ang laro.

“We were in tune with the game plan throughout 48 minutes and we did a good job of executing offensively and defensively.”