JAMES YAP MULING IDINAWIT SA AWAY NINA KRIS AT NICKO FALCIS

james yap

PARANG tele­seryeng sinusu­baybayan ang word war ng  Queen of all Media na si Kris Aquino at sa dati niyang confidante atThe point business manager na si Nicko Falcis na sinampahan ng una ng kasong qualified theft.

Katunayan, mas tumitindi ang kanilang sigalot dahil may iba’t ibang personalidad pa  na nasasangkot.

Ang huling nasangkot ay ang kontrobersiyal na si Gretchen Barretto na kinuyog ng fans ni Kris dahil sa pagpanig nito sa dating abogado ni Kris na ibinunyag sa social media na balak siyang ipapatay ng kampi ng mga Aquino.

Pero hindi pa rito natatapos ang isyu dahil muli na namang pinalutang sa social media ang naging away nina Kris at ng kanyang estranged husband na si James Yap.

Nabuhay muli sa mga baul ng interview files ang naging pagtatapat ni James ilang taon na ang nakararaan na siya man ay pinagbantaan noon ni Kris kung saan ito ang naging teksto ng mga tinuran ng digital media queen sa ama ni Bimby:  “Baka nakalimutan mo, may three years pa iyong brother ko. “Nakita mo ba kung saan na iyong mga ex ko ngayon? Wala nang mga career, baka ganoon ang gawin ko sa ‘yo. “Isang iyak ko lang sa TV, maniniwala na sa akin ang mga tao.”

Sa kampo nina Falcis, gusto nilang patotohanan na kayang magbanta at pumatay ng kampo ni Kris at hindi teorya lamang ang sinasabing pagbabanta nito ng dating presidential sister.

Para naman sa fans at supporters ni Kris, ito ay isang propaganda para ibagsak ang kredibilidad ng kanilang idolo na para sa kanila ay makatao, maka-Diyos  at hindi kayang pumatay ng tao.

PAULEEN AT PIA PINURI ANG PAGIGING GOOD SPORT

PINURI ng netizens ang pagiging sport ng da­lawang Eat Bulaga hosts na sina Pauleen Luna at Pia Guanio.pia and pauline

Sa isang social media account nag-circulate ang video kung saan  nagbo-bonding ang dalawa kasama ang kanilang mga anak.

Nakunan sa kamera ang kanilang candid moments habang nilalagyan ng makeup ni Baby Soleil (anak ni Pia) ang kanyang nanay na si Pia at si  Pauleen.

Sey pa nga nito, gusto raw nitong maging makeup artist balang araw.

Enjoy naman sina Pauleen at Pia sa kanilang bonding time with their kids.

Hindi mababakas na minsan sa isang panahon ay nagkaroon sila ng  ila­ngan dahil bago pa man naging misis ni Vic Sotto si Pauleen ay naging girlfriend muna nito si Pia Guanio.

Si Soleil ang ikalawang anak ni Pia sa non-showbiz husband niyang si Steve Mago na isang businessman. Five years younger siya sa kanyang ateng si Scarlet Jenine.

Si Pauleen naman ay may Baby Talitha kay Bossing Vic Sotto na nag-celebrate ng kanyang first birthday noong Nobyembre last year.

Comments are closed.