SINUSPINDE at pinagmulta ng San-En Neophoenix ng 100,000 (P43813.78) si Filipino guard Thirdy Ravena dahil sa pagwasak sa signboard ng isang sponsor kasunod ng 89-90 pagkatalo sa Toyama Grousers sa Japan B. League noong Linggo, November 14.
Si Ravena, na nagpasabog ng career-high 26 points sa liga mula sa 11/14 mula sa field, kasama ang 9 rebounds, 5 assists at 3 steals, ay suspendido ng dalawang laro..
Wala nang nalalabing oras sa laro, hindi naipasok ni Ravena ang kanyang free throw na naghatid sana sa laro sa overtime. Naiyak si Ravena at dahil sa emosyon ay nasira niya ang signboard ng nakalabang koponan.
Humingi naman ng paumanhin ang Filipino player dahil sa ipinakita niyang maling asal.
“To the Neophoenix Boosters, sponsors, management, my teammates and coaches, especially the Toyama Grouses organization, sponsors, everyone involved, I deeply apologize that something like this happened,” sabi ni Ravena.
“With the series of losses and personal bad games, I let my emotions get the best of me. And the chance of actually winning a game, but losing it because of me was just too much at that point. Again, I apologize to everyone.”
Pinayuhan naman ng koponan si Ravena na pag-aralang mabuti ang bawat kilos na ipinakikita niya, lalo na sa paglalaro.