JAPETH ‘OUT’ SA PLAYOFFS DAHIL SA INJURY

HINDI matutulungan ni veteran forward Japeth Aguilar ang  Barangay Ginebra Gin Kings sa kampanya nito sa playoffs sa 2021 PBA Philippine Cup.

Ayon kay Ginebra coach Tim Cone, si Aguilar ay hindi makapaglalaro sa buong conference dahil sa medial collateral ligament (MCL) sprain na kanyang natamo sa kaliwang tuhod.

Si Aguilar, isang seven-time All-Star, ay hindi nakapaglaro sa huling apat na games ng Gin Kings sa conference, kabilang ang kanilang 95-85 panalo kontra Phoenix Super LPG noong Sabado, na naghatid sa koponan sa quarterfinals bilang eighth seed.

“From what we’ve seen, it’s our opinion at this point that he’s out for the rest of the conference,” wika ni Cone patungkol kay Aguilar. “I don’t see any possibility to get (him) back, and if we did, we might rush him back and injure him again worse.”

Aniya, bumalik na si Aguilar sa Metro Manila noong Biyernes.

Bago ang kanyang injury, si Aguilar ay may average na 14.6 points, 6.1 rebounds, 2.0 blocks, at  1.5 assists.

Ani Cone, labis ang pagkadismaya ni Aguilar na hindi ito makapaglalaro sa playoffs.

“He wants to play,” sabi ni Cone patungkol kay Aguilar na may limang championships sa Ginebra at Finals MVP nang pa-gharian nila ang 2019 Governors’ Cup.

“But he was sent home yesterday, finally. He should have gone home a week or two ago after the injury, but he kept trying to get it done,” dagdag ni Cone. “But it was obvious now that he’s not gonna be able to make it.”

Natamo ni Aguilar ang injury sa kanilang September 12 game laban sa TNT Tropang Giga, kung saan natalo ang Ginebra 88-67.

Makakasagupa ng Gin Kings ang Tropang Giga sa quarterfinals, kung saan tangan ng huli ang twice-to-beat advantage.

121 thoughts on “JAPETH ‘OUT’ SA PLAYOFFS DAHIL SA INJURY”

  1. 927643 351028You would endure heaps of different advised organized excursions with various chauffeur driven car experts. Some sort of cope previous features and a normally requires a to obtain travel within expense centre, and even checking out the upstate New York. ??????? 237598

Comments are closed.