DATI nang nagbibida si Jasmine Curtis-Smith sa mga serye noon sa TV 5 noong aktibo ang entertainment division nito.
Nang lumipat siya sa GMA-7, nahirapan siyang bumuwelo dahil maraming nakakontratang artists ang nasabing network kaya naman mga supporting roles ang natoka sa kanya.
Gayunpaman, pinatunayan niya na bilang isang artista, isa siyang pro kasi naniniwala siya sa kasabihang “patience is a virtue”.
Ngayon, dumating na rin ang pinakahihintay niyang break bilang bida sa Kapuso network.
Siya ang magbibida sa Tagalog adaptation ng hit Korean series na Descendants of the Sun na pinagbidahan nina Song Jong-Ki, Song Hye-kyo at Jin Goo at Kim Ji-Won.
Siya ang gaganap sa role ni Doctor Kang Me-Yeon (aka Beauty) na ginampanan ni Song Hye-Kyo sa nasabing original series.
Leading men niya sa nasabing series sina Dingdong Dantes at Rocco Nacino.
EDGAR ALLAN GUZMAN OLD- FASHIONED MANLIGAW
REBELASYON ang sinabi ng Love You Two star na si Shaira Diaz na kaya niya nagustuhan si Edgar Allan Guzman ay dahil alam nito kung paano siya ipi-please.
Ito raw ang katangiang nagustuhan niya sa rumoured boyfriend.
Katunayan, hinaharana pa raw siya nito at gumagawa raw talaga ito ng extra effort para mapasaya siya.
Pruweba raw rito ang awiting sinulat ng aktor na dedicated sa kanya na hindi karaniwang ginagawa ng dating Mr. Pogi.
Dahil dito, marami ang kinilig sa pagtatapat ni Shaira.
Sey ng isang netizen, type rin niyang magpaharana kay EA.
Hirit naman ng isa, masyado raw baduy at makaluma si EA dahil hindi na uso ang istilo nito sa panliligaw.
Sina Shaira at EA ay nagkaroon ng relasyon noong nasa TV 5 pa sila na nang lumaon ay nauwi sa hiwalayan.
Hanggang ngayon, wala pa rin silang opisyal na pag-amin kung nagkabalikan na sila.
Comments are closed.