NAGBUHOS si Bojan Bogdanovic ng 34 points, nagtala si Rudy Gobert ng double-double at mga krusyal na puntos, at nabawi ng short-handed Utah Jazz ang top spot sa NBA sa pamamagitan ng 106-102 panalo laban sa bisitang Toronto Raptors noong Sabado sa Salt Lake City.
Kumalawit si Gobert ng 16 rebounds at umiskor ng 13 points, kabilang ang isang driving layup na sinundan ng isang tip-in, may 24.3 segundo ang nalalabi, na naging tuntungan ng Jazz (46-18) para muling magwagi na wala sina injured All-Star guards Donovan Mitchell (ankle) at Mike Conley (hamstring).
Naunang inanunsiyo ng Jazz na hindi makapaglalaro si Mitchell ng isa pang linggo at ire-evaluate sa susunod na weekend.
Nagdagdag si Joe Ingles ng 15 points at 9 assists para sa Utah, gumawa si Jordan Clarkson ng 15 points mula sa bench, kabilang ang kamangha-manghang dunk laban kay Toronto’s Freddie Gillespie, at naisalpak ni Royce O’Neale ang go-ahead 3 sa kalagitnaan ng fourth at tumapos na may 9 points at 10 rebounds.
Ang Utah ay mayroon ngayong half-game lead laban sa walang larong Phoenix, na sisimulan ang three-game road trip sa Oklahoma City sa Linggo.
Kumamada si Fred VanVleet ng 30 points upang pangunahan ang Toronto (26-38), na umaasang makakasambot ng puwesto sa play-in tournament. Naglaro ang Raptors na wala si Kyle Lowry.
Ang lahat ng limang starters ay umiskor ng double figures para sa Raptors, na umabante ng hanggang 10 subalit gumawa lamang ng 13 sa fourth quarter.
Nakakuha rin ang Jazz ng kontribusyon mula kay rookie Trent Forrest, na tumipa ng 7 points, kabilang ang isang 3-pointer na kinamada niya ilang segundo makaraang supalpalin ang tira sa kabilang dulo upang bigyan ang Utah ng 98-93 lead sa kalagitnaan ng final quarter.
HEAT 124,
CAVALIERS 107
Kumamada si Kendrick Nunn ng 22 points upang pangunahan ang Miami Heat sa 124-107 panalo kontra host Cleveland Cavaliers.
Nakakuha rin ang Miami (34-30), nanalo ng anim sa walong laro, ng 20 points mula kay Duncan Robinson. Nagdagdag si Trevor Ariza ng18 points, at tumipa si Max Strus ng 17, kabilang ang 14 sa first half. Umiskor si Jimmy Butler ng 15 points.
Nag-ambag si Bam Adebayo ng 13 points at 10 rebounds para sa Miami.
Nanguna sina Kevin Love at Collin Sexton para sa Cleveland na may tig- 25 points.
Sa iba pang laro, naitala ni Stephen Curry ang 23 sa kanyang 30 points sa third quarter nang pulbusin ng Golden State Warriors ang Houston Rockets, 113-87.
Naisalpak ni Dorian Finney-Smith ang deciding 3-pointer, may 9.3 segundo ang nalalabi, at naitala ni Luka Doncic ang kanyang unang triple-double magmula noong March 15 nang madominahan ng Dallas Mavericks ang bisitang Washington Wizards, 125-124.
Samantala, ginapi ng Charlotte Hornets ang Detroit Pistons, 107-94; pinaamo ng Atlanta Hawks ang Chicago Bulls, 108-97; namayani ang New Orleans Pelicans kontra Minnesota Timberwolves, 140-136; minasaker ng Indiana Pacers ang Oklahoma City Thunder, 152-95; naungusan ng Orlando Magic ang Memphis Grizzlies, 112-111; at pinatiklop ng Denver Nuggets ang Los Angeles Clippers, 110-104.
579598 680204Why didnt I think about this? I hear exactly what youre saying and Im so happy that I came across your blog. You really know what youre talking about, and you produced me feel like I ought to learn much more about this. Thanks for this; Im officially a huge fan of your weblog 501577
648709 40414I like this internet site extremely much, Its a very nice position to read and receive info . 492792
874770 353422Top rated lad speeches and toasts, as well toasts. might extremely well be supplied taken into consideration making at the party consequently required to be a bit far more cheeky, humorous with instructive on top of this. best man speeches funny 954268
641464 505401I quite delighted to uncover this web web site on bing, just what I was searching for : D besides saved to bookmarks . 811943
192660 525716You Lastly want the respect off your family and buddies? 165161