NAGBUHOS si Bradley Beal ng 34 points, naitala ni Russell Westbrook ang kanyang NBA-leading 23rd triple-double sa season at nalusutan ng Washington Wizards ang masamang simula upang silatin ang Utah, Jazz 125-121, noong Lunes ng gabi sa Salt Lake City.
Pinutol ng Wizards ang franchise-record 24-game home-winning streak ng Jazz at ito ang unang pagkatalo ng Utah sa kanilang court ngayong 2021. Ang huling pagkakataon na nanalo ang isang katunggali sa Vivint Arena ay noong New Year’s Eve 2020, sa katauhan ng Phoenix.
Umiskor si Westbrook ng 25 points, nagbigay ng 14 assists at kumalawit ng 14 rebounds upang tulungan ang Wizards na igupo ang Jazz sa ikalawang pagkakataon sa isang buwan.
Ang Utah ay nagwagi ng 11 sa 13 games overall magmula nang mabigo sa Washington noong March.
Sa pagkabigo ng Jazz ay nasayang ang big scoring nights nina Donovan Mitchell, na kumana ng 42 para sa kanyang ika-4 na sunod na laro na may 35 o higit pa, at Bojan Bogdanovic na humataw ng 33 points.
WARRIORS 116,
NUGGETS 107
Naging all-time leading scorer si Stephen Curry sa kasaysayan ng Golden State Warriors sa ika-9 na 50-point game ng kanyang career, makaraang magpasabog ng 53 sa 116-107 panalo laban sa bisitang Denver Nuggets.
Sinimulan ni Curry ang laro na may 17,765 points sa kanyang Warriors career, nangangailangan lamang ng 18 para mapantayan ang all-time franchise record ni Wilt Chamberlain.
Kinailangan lamang niya ng 10 minutes at 20 seconds upang maabutan at malagpasan si Chamberlain, sa pamamagitan ng limang 3-pointers at dalawang free throws, na sinundan ng driving layup laban kay dating teammate JaVale McGee para sa kanyang 18th at 19th points.
Nagsalansan si Draymond Green ng 18 points, 7 rebounds, 7 assists at 4 steals para sa Warriors, na nakumpleto ang 3-1 homestand sa kanilang huling apat na games na lalaruin nang walang fans sa San Francisco’s Chase Center.
SUNS 126,
ROCKETS 120
Tumirada si Jae Crowder ng career-high eight 3-pointers, na nagsindi sa franchise-record 25 made shots sa 3-point range ng Phoenix Suns sa 126-120 panalo kontra bisitang Houston Rockets.
Nahigitan ng Phoenix ang naunang record na 24 3-pointers na naiposte noong Feb. 20, nang magtala ang Suns ng 25 of 45 (55.6 percent) mula sa 3-point range sa 128-97 panalo kontra Memphis Grizzlies.
Siyam na Phoenix players ang gumawa ng kahit isang 3-pointer. Tumapos si Crowder, 8 of 9 mula sa long range sa first half, na 8 of 12 bago na-foul out, may 44 segundo ang nalalabi sa fourth quarter.
Nakalikom si Suns guard Devin Booker ng 24 points, 7 rebounds at 7 assists. Tumapos si Deandre Ay-ton na may 18 points sa 9-of-13 shooting mula sa field at humugot ng 8 rebounds.
Ang Houston ay pinangunahan nina Christian Wood na may 25 points at 15 rebounds, at Kevin Porter Jr. na nagposte ng 22 points at 14 assists. Nagdagdag si Kelly Olynyk ng 16 points at 8 rebounds.
Sa iba pang laro, nadominahan ng Memphis Grizzlies ang Chicago Bulls, 101-90; pinulbos ng San An-tonio Spurs ang Orlando Magic, 120-97; namayani ang Philadelphia 76ers laban sa Dallas Mavericks, 113-95; at ginapi ng New York Knicks ang Los Angeles Lakers, 111-96.
313353 994279Hi there, just became aware of your blog by way of Google, and discovered that it is truly informative. Im gonna watch out for brussels. Ill be grateful in case you continue this in future. Numerous individuals will likely be benefited from your writing. Cheers! 103234
239708 404214Hey I was just looking at your website in Firefox and the image at the top of the link cant show up correctly. Just thought I would let you know. 316152
874841 510120This style is spectacular! You naturally know how to maintain a reader amused. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own weblog (nicely, almostHaHa!) Fantastic job. I really enjoyed what you had to say, and far more than that, how you presented it. Too cool! 731303