JAZZ GIBA SA WIZARDS

TINALO ni Bradley Beal si Donovan Mitchell sa high-scoring duel na may 37 points upang pangunahan ang Washington Wizards sa 109-103 upset kontra Utah Jazz nitong Sabado ng gabi sa Salt Lake City.

Naisalpak ni Beal ang 13 sa 24 field goals at 9 sa 10 free throws, nagbigay ng pitong assists, kumalawit ng limang rebounds at sinindihan ang game-changing run sa fourth quarter upang tulungan ang Wizards na putulin ang four-game losing streak.

Tumapos si Mitchell na may 32 points at apat na four 3-pointers at limang assists, ngunit gumawa rin ng limang turnovers. Naitala ng Utah ang ikalawang sunod na pagkatalo sa home matapos ang eight-game winning streak.

THUNDER 104,

CLIPPERS 103

Umiskor si Luguentz Dort ng 29 points at naipasok ni Shai Gilgeous-Alexander ang game-winning 3-pointer sa buzzer upang bigyan ang host Oklahoma City ng panalo laban sa  Los Angeles.

Ang panalo ay ika-4 pa lamang sa 17 games ng Oklahoma City. Ikalawang sunod na kabiguan naman ito para sa Clippers.

Sa kanyang pagbabalik mula sa isang larong pagliban sanhi ng left ankle injury ay kumana si Dort ng 12 of 19 mula sa floor. Nagdagdag si Gilgeous-Alexander ng 18 points habang kumubra si Josh Giddey ng 8 points, 18 rebounds at 10 assists.

Nanguna si Luke Kennard para sa Clippers na may season-high 27 points, napantayan ang career-high na may pitong 3-pointers. Nagdagdag si Terance Mann ng 18.

ROCKETS 116,

 PISTONS 107

Nagbuhos si Christian Wood ng 21 points laban sa kanyang dating koponan upang sandigan ang bisitang Houston kontra inaalat na  Detroit.

Nagdagdag si Wood ng 8 rebounds habang umiskor ng double figures ang lahat ng limang Houston starters. Nag-ambag si  Eric Gordon ng 18 points at 5 assists, kumana si Garrison Mathews ng 16 points sa 4-of-9 3-point shooting, at nakalikom si Jae’Sean Tate ng 11 points, 5 rebounds, 4 assists at 3 three steals.

Nagdagdag si Kenyon Martin Jr. (10 points, 11 rebounds) ng double-double mula sa bench para sa Houston na bumuslo ng 49.5 percent mula sa floor.

Nalasap ng Pistons ang kanilang ika- 14 sunod na pagkatalo, kung saan gumawa ito ng  21 turnovers at nagmintis ng 26 sa 36 mula sa 3-point range. Kumabig si Cade Cunningham ng 21 points at 11 assists, habang nagbida si Saddiq Bey sa Detroit na may 23 points

Sa iba pang laro ay ginapi ng Raptors ang Warriors, 119-100;  pinataob ng Cavaliers ang Bucks,119- 90; dinispatsa ng Magic ang Nets, 100-93; at nadominahan ng Celtics ang Knicks, 114-107.