JAZZ TINUSTA NG BLAZERS

BLAZERS vs Jazz

NAGBUHOS si Damian Lillard ng 30 points, nagdagdag si CJ McCollum ng 26 at lumamang ang Portland Trail Blazers sa buong second half tungo sa 105-98 panalo laban sa Utah Jazz sa Salt Lake City noong Miyerkoles ng gabi.

Nag-ambag si Carmelo Anthony ng 18 points mula sa bench upang tulungan ang Portland (41-29) na makopo ang ika-5 sunod na panalo at ika-9 sa 10 laro.

Kumamada si Jordan Clarkson ng 29 points upang pangunahan ang Jazz, na ininda ang pagkawala nina injured All-Star guards Donovan Mitchell and Mike Conley.

Lumiit ang kalamangan ng Jazz (50-20) sa second-place Phoenix Suns (48-21) sa 1 1/2 games sa karera para sa No. 1 position sa buong playoffs. Tatapusin ng Utah ang regular season sa road ngayong weekend kontra Oklahoma City Thunder (Biyernes) at Sacramento Kings (Linggo).

Gumawa si Rudy Gobert ng 15 points at 20 rebounds para sa Jazz, na bumuslo lamang ng 41.2 percent overall at 12 of 40 (30 percent) mula sa 3-point range. Nalasap ng Utah ang ikalawang sunod na pagkabigo matapos ang five-game winning streak.

LAKERS 124,

ROCKETS 122

Naipasok ni Kyle Kuzma ang decisive layup, may 6.9 segundo ang nalalabi, para bigyan ang Los Angeles Lakers ng 124-122 panalo kontra bisitang Houston Rockets.

Nag-ambag si Talen Horton-Tucker ng 23 points at 10 assists, nagtala si Andre Drummond ng 20 points at 10 re-bounds at nakalikom si Kuzma ng 19 points, 10 rebounds at 7 assists para sa Los Angeles (40-30) na nanalo ng tatlong sunod.

Naglaro ang Lakers na wala si LeBron James (ankle) sa ika-26 pagkakataon sa huling  28 games, gayundin si An-thony Davis (adductor).

Tumipa si Armoni Brooks ng career-best 24 points at kumana rin si Kelly Olynyk ng 24 para sa Houston (16-54), na natalo ng pitong sunod at 44 sa huling 49. Nagdagdag si Kenyon Martin Jr. ng 20 points at 10 rebounds.

Sa iba pang laro, kumabig si Luka Doncic ng 33 points nang lumapit ang host Dallas Mavericks sa pagkopo ng isa sa top six spots sa Western Conference at subakin ang New Orleans Pelicans sa play-in contention sa pamamagitan ng 125-107 panalo.

Nagsalansan si James Harden ng 18 points, 11 assists at 7 rebounds sa kanyang pagbabalik mula sa strained right hamstring nang lambatin ng Brooklyn Nets ang 128-116 panalo kontra San Antonio Spurs

Nagposte si Kevin Love ngseason-highs na 30 points at 14 rebounds at pinutol ng  host Cleveland Cavaliers ang 11-game losing streak sa pamamagitan ng 102-94 pagbasura sa Boston Celtics.

Samantala, naisalpak ni John Collins ang go-ahead 3-pointer, may 24.8 segundo ang nalalabi, upang makumpleto ang Atlanta Hawks comeback at ang 120-116 victory kontra bisitang Washington ­Wizards.

5 thoughts on “JAZZ TINUSTA NG BLAZERS”

Comments are closed.