JAZZ TINUSTA NG SUNS

KUMAMADA si Devin Booker ng 33 points habang nagdagdag si Chris Paul ng 27 points at 14 assists upang pangunahan ang Phoenix Suns sa 115-109 panalo laban sa Utah Jazz, Lunes ng gabi.

Nagbuhos si Paul ng 15 points sa fourth quarter at binura ng Phoenix ang five-point deficit sa kaagahan ng period. Kumalawit din siya ng rebounds sa laro at gumawa ng uncharacteristic seven turnovers.

Nag-ambag si Bismack Biyombo ng 16 points at 13 rebounds mula sa Phoenix bench. Tumapos si Cameron Johnson na may 20 points para sa Suns na nanalo ng pitong sunod.

Umiskor si Jordan Clarkson ng 22 points upang pangunahan ang Jazz, na natalo sa ika-8 pagkakataon sa nakalipas na 10 games. Nagdagdag si Utah’s Trent Forrest ng career-high 17 points, ang unang pagkakataon sa kanyang 67 career NBA games na umiskor siya ng double figures.

CAVALIERS 95,

 KNICKS 93

Naitala ni Darius Garland ang isa sa tatlong double-doubles para sa Cleveland, na nakahulagpos ang  15-point fourth-quarter lead bago ang 3-pointer ni Garland, may 1:23 ang nalalabi, na nagbigay sa  hosts ng kalamangan sa panalo kontra New York.

Ang 3-pointer ay isa lamang sa laro ni Garland, na tumapos na may 13 points at 12 assists para sa  Cavaliers na nanalo sa ika-7 pagkakataon sa walong laro. Tumipa si Kevin Love ng 20 points at 11 rebounds mula sa  bench, at nagdagdag si  Evan Mobley ng 15 points at 12 boards.

BULLS 111,

THUNDER 110

Kumubra si Nikola Vucevic ng 26 points at 15 rebounds nang patahimikin ng Chicago ang Oklahoma City.

Umiskor si rookie Ayo Dosunmu ng season-high 24 points upang tulungan ang Bulls win na magwagi sa ikalawang pagkakataon pa lamang sa walong laro.

Pinutol ng Chicago ang five-game road losing streak. Naglaro si Zach LaVine sa unang pagkakataon magmula noong Jan. 14 at tumipa ng  23 points, 7  assists at 7 rebounds.