JEEPNEY DRIVERS UMAPELA NG BALIK-BIYAHE

NAGMAMAKAAWA sa gobyernong Duterte ang Liga ng Transportation sa Pilipinas (LTOP) na kinabibilangan ng 4, 70O assosasyon na bigyan na sila ng pagkakataon na makabiyahe sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila para may makain ang kanilang pamilya.

Ito ay kasunod ng pagpapahintulot  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makabiyaheng muli ang nasa mahigit na 1, 000 tradisyonal na  jeep sa 28 na ruta.

Ayon sa pahayag ni Mr. Orlando Marquez, pangulo ng LTOP, marami pa ring tsuper ang hindi  nakakapasada at hindi pa nabigyan ng ayuda.

Kinuwestiyon ni Marquez ang pagbiyahe- ng mga bus sa mga ruta na sakop ng mga jeepney.

Paglilinaw ni Marquez  na suportado nila ang jeepney modernization program pero hiling din niya na  palakasin ang local manufacturing industry ng bansa.

Naniniwala ang LTOP na sinasamantala ng technical working group ng LTFRB ang pandemiya para tuluyan nang alisin ang mga tradisyonal na jeep.

Hiniling ng LTOP  sa pamahalaan na magkaroon ng patas at maayos na konsultasyon sa mga transport group.

Comments are closed.