NANGINGINIG daw si Jeric Gonzales while his intimate scenes with Sheryl Cruz was being shot in connection with their afternoon serye Magkaagaw. Nanginginig raw siya dahil din sa eksena at saka dahil na rin sa demand sa kanyang character na si Jio na kailangang manginig at ninenerbiyos. Sa tanong na naa-arouse ba siya habang ginagawa nila ang kanilang love scene sa Magkaagaw, inamin niyang may mga eksenang naakit talaga siya kay Sheryl. Siguro dahil in character daw siya kaya ganoon. Binibigyan daw talaga nila ng freedom ‘yung kanilang sarili kaya nararamdaman nila ang lahat na ‘yun. So, sa eksena naramdaman ko talaga,” he asseverated.
Masyado raw mataas talaga ang respeto ni Jeric kay Sheryl para bigyan niya ng malisya ang kanilang mga eksena kahit na cougar role ang ginagampanan nito sa Magkaagaw. Sa sensuality workshop bago sila nag-taping ng Magkaagaw, nasampolan na agad siya. May experience na raw siya with a slightly older woman. Pero ‘yung ganon kalaki ang age gap, first daw talaga with Sheryl.
Twenty-seven years old si Jeric samantalang forty-five years old naman si Sheryl. Ang oldest daw na nakahalikan ni Jeric in real life ay mga 4-5 years lamang ang agwat.
May pagkakaiba ba ang pakikipaghalikan sa older woman? “Meron po, malaki. Kasi siyempre, experience po, experienced na ‘yun mas older and then mas naga-guide niya ako at mas aggressive, mas parang anything is possible,” he said laughing mischievously.
Sa eksena sa kama, mas gusto raw ni Jeric na siya ang dominant figure o in control. “Pero at times,” he added sounding somewhat excited, “okay rin naman na ‘yung babae ang dominante.”
Anyway, the press people had a grand time talking to Jeric at the mediacon of Magkaagaw last October 15, at the 17th floor of GMA Network. Now airing lated to get on GMA Afternoon Prime, Sheryl is going to delineate the role of Veron, while Sunshine would essay the role of Laura; kasama rin nila sina sina Klea Pineda bilang Clarisse at si Jeric nga bilang si Jio. Under the direction of Gil Tejada, Jr., nasa Magkaagaw rin sina Polo Ravales bilang Oliver, Dion Ignacio bilang Zander, Dennis Padilla bilang Mark, Lovely Abella bilang Suzi, Isay Alvarez bilang Fely, Patricia Tumulak bilang Gilda, at Joanna Marie Tan bilang Sheila. May special participation rin ang actor-politician na si Alfred Vargas bilang Mario.
GIMIKERANG AKTRES AYAW BIGYAN NG LABEL ANG RELASYON SA BATANG AKTOR
CONFIDENT daw ang gimikerang aktres na ‘to na naiintindihan ng kanyang rumored boyfriend ang tandem nilang dalawa ng isang mas mature ng aktor na galing sa isang tandem na nabuwag na dahil pumatol sa iba ang young actress na ka-tandem niya.
So far, all-out naman ang pakikitungo ng young actor sa pamilya ng young actress. As a matter of fact, um-attend ito sa birthday celebration ng ama nang young actress kamakailan.
Anyway, napagaya na rin ang young actor sa gimikera niyang dyowa. Ayaw na rin niyang kumpirmahin ang status ng kanilang relationship. Char! Hahahaha!
Anyway, isa sa kanyang paeklay ay hindi nila feel magbigay ng confirmation sa kanilang relasyon dahil once na magbigay ka raw ng official statement, it follows na obliged ka ng mag-share nang mag-share.
Anyway, marami ang nagpapalagay na delikado raw ang relasyon ng young actress sa kanyang young papa dahil malamang kaysa hindi ay mag- fall siya sa charisma ng not-so-young actor na kasama niya sa kanilang soap. Bago?
That is usually the case with people in this business. E, medyo mas sikat ang guy na leading man niya kaya malamang kaysa hindi ay mag-fall ang madaling paibiging chick sa kanya. But then, anything can happen so let’s just wait and see what’s going to happen next. What’s going to happen next raw, o! Hahahahahahahaha!
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr. And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you Nhong!
Comments are closed.