HULI nating napanood ang binansagang Asia’s Prince of Drama na si Jericho Rosales sa teleserye ng ABS-CBN na Halik kaya naman nasabik nang husto ang kanyang mga tagahanga nang ibalita niyang sa New York City na sila maninirahan ng model/stylist wife na si Kim Jones.
Ikinatuwa ng kanyang mga tagahanga ang ipinost niyang update sa kanyang Instagram, showing him and his wife Kim relaxing in their new house na obviously ay hindi pa kumpleto ang mga gamit.
He wrote, “Sa Bagong Haybol Sa Big Apol. Kim on google maps : saan ang palengke…? Me sa bintana : ano’ng oras dadaan ang taho?”
Hindi ikinahiya ni Echo na siya ang gumagagawa ng mga gawaing bahay sa NY.
“Sa New York, wala kang kawala, wala kang ligtas!” ani Echo.
Magkatulong silang naghuhugas ng mga pinagkainan nilang mag-asawa at siya rin ang nakatokang maglaba, kaya naman puring-puri siya ng netizens sa pagiging supportive husband. Ikinasal si Echo sa British-born Australian fashion influencer noong 2014.
MEG IMPERIAL 3RD PARTY SA HIWALAYAN NINA CARLA-TOM
TRENDING sa social media ang pag-like ni Carla Abellana sa komento ng isang netizen na tumawag kay Tom Rodriguez ng cheater.
Halos isang buwan na ang nakakalipas nang unang umugong ang balitang hiwalayan ng mag-asawang Tom at Cala pero wala pang official statement ang dalawa ukol dito.
Muling umugong ang balita dahil hinggil sa pahiwatig ni C arla sa tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan. Pinagbasehan ng netizen ang pag-like ni Carla sa tahasang akusasyon ng netizen na “cheater” si Tom.
Nag-post si Tom sa kanyang IG ng poster na promotion para sa movie niya with actress Meg Imperial na “The Last Five Years”. Nag-like din rito si Carla kaya imbiernix ang mga fans nina Carla at Tom kay Meg, at pinaghihinalaan pang third party ito sa hiwalayan ng dalawa.
Pero sabi ni Meg, wala wla siyang ka-relasyon sa ngayon and she’s not dating anyone pero aminado siyang nagkaroon na siya dati ng karelasyon. Unfair naman para kay Meg na pagbintangan ng mga Marites sa showbiz na third party. Wala naman kasi siyang record na mang-aagaw ng asawa ng may asawa.
EX-THE VOICE KIDS CONTESTANT PAMBATO NG PINAS SA MISS TEEN UNIVERSE
May ibang landas na tinatahak ngayon ang dating contestant ng THE VOICE KIDS Philippines na si KYLIE ‘Koko’ LUY. Kung noon ay gitara ang dala-dala niya sa pag-perform sa harap ng audience, ngayon ay naka-long gown na siya at busy sa training para maghanda sa nalalapit na MISS TEEN UNIVERSE kung saan lalaban siya bilang representative ng Pilipinas.
Hindi makapaniwala hangga ngayon si Kylie na mapapasali siya sa biggest and most prestigious teen pageant sa buong mundo. Gusto lang kasi niya noon ay kumanta at tumugtog ng iba’t ibang musical instruments.
She was 11 years old nang umuwi sa Pilipinas mula London kung saan siya lumaki para sumali sa THE VOICE KIDS. Ngayon ay 19 years old na si Kylie, 5’10 ang height at napakaganda. Ni sa panaginip ay never niyang na-imagine na lalaban sa ganitong contest.
Incoming freshman student si Kylie sa ESMOD Fashion Institute sa Paris, France this September. Sa International School Manila (ISM) naman siya nagtapos ng secondary education.
So far, nakakapag-adjust na siya sa training at excited siya sa darating na competition from March 3 to March 7, 2022 sa Dubai, UAE.
Nag-compose si Kylie ng kanta na pinamagatang HEY MR PERFECT. Ang musical arrangement ay ginawa ni Rannie Raymundo at nag-record na siya sa studio ni Vehnee Saturno. Nakapag-shoot na din siya ng music video at si Anjo Pertierra ang gumanap na Mr Perfect na dating volleyball player at member ng National Team. Goodluck Kylie at sana ay maiuwi mo ang ko rona!