Jessy Mendiola diosa sa kanyang wedding gown

Maladyosa ang kagandahang ipinakita ni Jessy Mendiola nang mag-photo shoot gamit ang kanyang mga wedding gowns na nilikha ni Patricia Santos para sa kanyang church and beach ceremonies sa Club Paradise sa Coron, Palawan.

Hindi naman kagulat-gulat dahil ang kagandahang ito ang umakit sa pihikang puso ng kanyang hubby na si Luis Manzano.

Ang church wedding na isinagawa noong February 15, 2024 ay dinaluhan ng buong pamilya ng mga Santos-Recto, Manzano, at Mendiola. Bakit naman hindi, e tanggap na tanggap naman nila si Jessy, lalo pa ay mayroon na silang napakagandang baby – si Baby Peanut – na kamukhang kamukha ng “Star for all seasons” na si Vilma Santos-Recto, Nanay ni Luis. At kung naroon si Vilma, natural lang na naroon din si Ryan Recto at Ralph Recto. Syempre, naroon din si Edu Manzano

Pinili nina Jessie at Luis ang Palawan para sa kanilang church wedding halos dalawang taon matapos ang kanilang civil wedding na ginanap naman noong April 2021.

Ginanap ang seremonya sa Our Lady of Guadalupe Chapel sa nasabing exclusive island resort.
Baago ang araw ng kasal, nag- prenup shoot muna ang mag-asawa sa beach, kung saan nagmukha talagang diyosa ng karagatan si Jessy, minus the fishtail. Congratulations sa newly wed couple.