JESSY MENDIOLA MAY HULA NA ‘DI LUCKY KAY LUIS

jessy mediola

SA PAGPASOK ng Bagong Taon panahon na naman ng mga manghuhula kaya hindi namin napigilang tawagan si Madam Suzette Arandela at itanong sa kanya ang ilang estado ng mga kaganapan sa showbiz at isang natanong namin ay ang takbo ng relasyong Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Kung tutuusin ay taon-taon namin hinihingan ng hula si Madam Suzette at pangatlong taon na namin tinatanong sa kanya ang kapalaran ng dalawa.  Base sa kanyang tarot cards, nasabi na nito noon na hindi hahantong sa altar ang dalawa at hanggang sa ngayon, ito pa rin ang hula nito sa dalawa.

Sa takbo ng pangyayari ay parang hindi mauuwi sa kasalan ang dalawa dahil open ngayon ang aktres sa pagsabing mula na naging syota nito ang TV host/actor ay parang nanamlay ang kanyang career.  As in, hindi siya lucky sa pi­ling ni Luis.

Pero inamin nitong wala siyang pinagsisihan sa dalawang taong nawalan siya ng magagandang proyekto dahil sa pagpili niya kay Luis.  Aniya, “Nalungkot ako. And kahit si Luis sinisi niya ang sarili niya kung ano ‘yung nangyari sa akin.”

Well, hula lang naman ito, puwedeng magkatotoo at puwedeng hindi.  Malay natin, sa susunod na taong pahuhulaan namin sila eh, baka luck will be on their side na.

REGINE TAMA ANG DESISYONG PAGLIPAT    

NOONG  una naming malaman na hindi pipirmahan ni President Duterte ang renewal ng kontrata ngregine velasques ABS-CBN dahil may campaign materials daw sila noon na kahit bayad na ay hindi ipinalabas ng nasabing network.  Kaya, naisip namin agad na magiging kawawa ang mga artista ng Kapa­milya and there’s no way to go kundi maglipatan sa ibang network.

Kaya ‘yung mga artistang lumipat sa kabila ay career move nila ‘yun pero parang pagbabago ngayon dahil puwedeng hindi itutuloy ng Presidente ang kanyang plano kung ipo-promote ng Dos ang Federalism na malaki ang posibilidad na tatanggapin ng Kapamilya para tuloy pa rin ang kanilang operation.

Pabor ito kay Regine Velasquez sa kanyang desisyong ‘pag-ober da bakod’ at kung pagbabasehan ang hula, lalong magle-level up ang kanyang singing career.  Magiging in-demand siya sa shows abroad at magkakaroon pa siya ng te­leserye o sitcom.  Abangan natin ang pamumukadkad ng career ng Asia’s Songbird sa 2019.

Comments are closed.