JODI STA MARIA AYAW NANG PAG-USAPAN SI JOLO AT DEDMA NA SA MGA MANLILIGAW

jodi-sta-maria

TIKOM na talaga ang bibig ni Jodi Sta Maria kapag tinatanong sa kanya si Jolo hotshotsRevilla na alam ng lahat ay ikinasal na sa beauty queen na si Ange­lica Alita last December.

Naitanong kasi sa interview ng press kay Jodi kung ano ang naramdaman niya nang ikasal  si Jolo. Todo-iwas ito at ayaw na talagang pag-usapan pa ang anak nina Senator Bong Revilla at Lani Mercado.

“Ay, naku, tapos na po  ‘yun, huwag na  po nating  pag-usapan,” sagot ni Jodi sa interview.

Masaya na raw siya sa kanyang estado ng buhay at pagiging single mom.

Inamin din ni Jodi na maraming nanliligaw pero hindi niya ini-entertain dahil mas pokus daw siya ngayon sa pagpo-produce. Katunayan ay siya ang bida at producer ng My Single Lady na mapapanood na simula sa Jan. 22 sa iWant  kasama sina Zanjoe Marudo at Ian Veneracion na ididirek ni Carlo Catu.

SOLENN HEUSSAFF IPINAKITA ANG PAG-BREASTFEED SA KANYANG BABY

MATAPOS  manganak  ng  baby girl  ni  Solenn Heusaff ay nagsimula naman siya ngayon na ipakita sa kanyang  followers at fans ang pagiging  ina  sa kanyang  panganay  na baby girl.

Sa Instagram post ni Solenn ay kanyang ipinasilip ang pagpapa-breastfeed sa kanilang anak ni Nico Bolzico.

Lantad  ang kaliwang  bahagi  ng  dibdib ni Solenn  dahil  paitaas  ang  kuha  ng  larawan habang pinapa-dede niya ang kanyang baby girl, kaya kitang-kita  ang  kanyang  boobs.

Sigurado  na may  susunod  pang  “walang paki”  post  si Solenn at kanyang  baby.

GABBY IPINAGTANGGOL ANG ANAK NA SI KC

SA  nangyayaring tampuhan ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion ay tila may pahiwatig naman ang tatay ni KC na si Gabby Concepcion.

Sunod-sunod ang post sa Instagram ni Gabby na tila may kinalaman sa tampuhan ng kanyang anak at Megastar.

“Sometimes, the best that you can do is not  think, not  wonder, not  imagine, and, not  obsess. Just breathe, and have faith that  everything will work out for  the  best,” say ni Gabby.

“The less you respond to negative people, the more peaceful your life will become,” sunod na post ni Gabby na feeling ng mga fan ay ipinag-tatanggol ng ama ang kanyang anak.

Sa quote  naman ni Gabby na, “You`re not being selfish for wanting to be treated well. Remember that,” na inakala naman ng mga fan ay pumanig naman si Gabby kay Sharon.

May mga post pa si Gabby na pakiramdan ng kanilang fan ay may kinalaman pa rin sa tampuhan ng mag-inang Sharon at KC.

Feeling  pa ng fan ay mas  kinakampihan  ni  Gabby si KC , since hiwalay na sila ni Sharon at mas may connect  ngayon ang actor sa kanyang anak.