Annulled na sa wakas ang kasal nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson matapos ang 13 taon niyang paghihintay. Supreme Court na ang nagdesisyong pawalang bisab ang kasal nila.
Kung tutuusin, dapat ay noon pa ito nangyari dahil matagal na silang hiwalay at may kani-kanya na ring buhay. In fact, friends na nga sila sa isa’t isa, at sanay na rin ang kanilang anak na si Thirdy sa blended family.
“Finally, after 13 years of waiting, my petition for nullity of marriage has been granted by the Supreme Court.” Ani Jodi.
“It was indeed a test of faith and trust—FAITH in God’s promises and TRUST in God’s timing.”
Hindi man umano madali ang proseso, ang mahalaga ay tapos na ito. RLVN