JOY REYES HINDI 3RD WHEEL SA HIWALAYANG PAOLO AT LJ

NILINAW ng ex-girlfriend ng actor na si Jomari Yllana ang espekulasyong siya, si Joy Reyes, ang third party sa paghihiwalay nina LJ Reyes at Paolo Contis. Itinanggi niya sa social media na may kinalaman siya sa controversial breakup ng dalawang celebrities, at ni hindi raw niya kilala ng personal si Contis.

“To set the record straight… First and foremost, I’ve never known the guy personally. The topic of linking me to the guy is just a fabricated story, a fragment of ima­gination of the person with unstable mind,” ani Reyes.

Aniya, imposibleng maging 3rd party siya dahil hindi nga niya kilala si Paolo. Imposible raw na makita silang magkasama dahil nasa Que­zon City siya na abala sa pag-intindi sa pagbabayad ng mga bills at iba pang pangangailangan ng kanyang mga anak na dapat ay ang ama ng kanyang mga anak ang gu­magawa. Dagdag pa niya, huwag na sana siyang idamay sa problema ng mag-asawa dahil marami rin siyang problema.  – KAYE NEBRE MARTIN

92 thoughts on “JOY REYES HINDI 3RD WHEEL SA HIWALAYANG PAOLO AT LJ”

  1. 196461 750819Hmm is anyone else encountering problems with the pictures on this weblog loading? Im trying to figure out if its a problem on my end or if it is the blog. Any responses would be greatly appreciated. 543511

Comments are closed.