LUMAGDA si free agent guard JR Smith ng kontrata sa Los Angeles Lakers para sa kabuuan ng season.
Hindi inilabas ang terms ng kontrata.
Batay sa report, ang Lakers at si Smith ay nag-negotiate magmula nang magpasiya si starting guard Avery Bradley na hindi maglaro sa pagbabalik ng season para makasama ang kanyang pamilya.
“In terms of what he brings to the table, just the experience factor,” wika ni Lakers coach Frank Vogel. “I mean, this guy is a big-time player. He’s proven it over the course of his career. We know he can help us.
“We almost added him earlier in the year when we added Dion Waiters and now we have the luxury of having both. We’re not going to ask him to come in and be Avery Bradley. He’s going to come in and be JR Smith. He’s going to just fill that position, more than fill that role.”
Si Smith, 34, ay hindi pa naglaro sa NBA matapos ang 11-game stint sa Cleveland Cavaliers sa simula ng 2018-19 season.
Ang kanyang huling full season ay noong 2017-18 sa Cavaliers, kung saan may average siya na 8.3 points at 2.9 rebounds sa 80 games (61 starts) sa huling season ni LeBron James bago ito lumipat sa Lakers.
Sa loob ng mahigit 14 seasons, si Smith ay may career averages na 12.5 points at 3.2 rebounds sa 971 games (395 starts).
Ang NBA teams ay bibiyahe sa Orlando sa July 7-9 upang simulan ang training camps bago muling buksan ang season sa July 30.
Comments are closed.